Kabanata 9☠︎︎

167 10 0
                                    

KABANATA 9

ATARAH

Sa harap namin ngayon ay ang malaking itim na gate. Dinig mula rito sa labas ang hagikhikan ng mga bata sa loob palatandaang sila'y naglalaro. Pagkarinig siguro ng huni ng kotse ay ipinagpaliban muna ang paglalaro at binuksan ang malaking gate gamit ang maliliit nilang kamay at ang maaliliit nilang katawan upang maitulak ito. Tulong-tulong sila sa pagbukas nito at ang iba'y nagsisitakbuhan sa loob habang isinisigaw na dumating kami.

Lumabas ako sa kotse. Sumunod naman si Martin na dala-dala ang bag ko. Akala ko naiwan ko lahat ng gamit ko roon. Napabuntong hininga ako, salamat naman at mayroon pa pala akong naisalba.

Pagkaraan ng ilang minuto ay sumalubong sa akin ang nakangiti kong mama habang nakabuka nang malapad ang mga kamay sa aking harapan. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha. Tumakbo ako papalapit kay mama at saka ko isiniksik ang sarili sa kaniyang mga bisig.

"Na-miss mo ako, no?" nakangising tanong niya na siya namang tinanguan ko. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking sentido.  Kung alam mo lang mama. Akala ko hindi na ako makakuwi sa inyo.

"Hindi muna ba kayo papasok sa loob?" Tanong niya na pakiwari ko ay para kay Martin.

"Uhm hindi ko po alam sa iba."

Maya-maya'y narinig ko ang pagbukas ng kotse at ang mga yapak na papalapit sa amin. Hindi ko pa naibabaling ang paningin ko sa aking likuran nang maramdaman ko ang katawan ng kaibigan kong nakayakap sa amin.

Sinundan naman ito ng iba na siyang nagpatawa kay mama ngunit nawala rin ito nang marinig niya ang pag-iyak ni Eve. 

"Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ni mama. Wala siyang natanggap na sagot maliban sa sunod-sunod na pag-iyak ng iba pa sa amin. Pati ako ay nadala at napaiyak din. Bumalik sa akin ang kabang naramdaman ko kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakaalis kami roon nang ligtas. Akala ko... akala ko hindi na kami makakalabas pa. Napahagulgol na lang ako katulad nina Mira at Eve. Itong dalawa naman e parang ewan ayan tuloy humahagulgol na kami rito.

"Oh siya ako na ang mag-de-decide para sa inyo. Magpahinga muna kayo rito bago kayo umuwi, okay?" Ani ni mama habang marahang hinahaplos kami sa buhok.

Tahimik kaming nakaupo sa aming sopa sa sala. Nakayapos pa rin kami kay mama maliban lamang sa mga lalaki sa amin na nasa ibang upuan malapit lang sa amin. Dumating si kuya at isa-isa kaming binigyan ng baso ng tubig saka siya umupo sa aming harapan.

"Ano ba ang nangyari at bakit nagkakaganito kayo? May nangyari bang masama sa inyo roon?" tanong ni mama pero katulad lamang ng kanina'y walang nagsasalita sa amin. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Baka pagkatapos nito ay pagbawalan na talaga akong lumabas ni mama. Subalit hindi ko rin maipagkakaila na kasalanan ko rin.

"Atarah, why don't you answer mama?" usal ni kuya Amos.

Napanguso ako habang nakatingin sa baba. Kuya naman kahit ngayon lang huwag muna. Pagod ako at alam kong pagod din ang mga kaibigan ko. The least thing I would like for this moment is to be nagged by my brother.

"Sasagot ka o ang mga kaibigan mo ang pasasagutin ko?" dagdag pa niya.

Kinakatakutan ng mga kaibigan ko si kuya Amos dahil sa kaistriktuhan nito. Oo at nagagawa nilang makipagkulitan at makipagtawanan kay kuya ngunit hinding-hindi nila iyon kayang gawin kapag ganito siya kaseryoso.

Ayaw ko namang sila ang pagalitan ni kuya kaya sumagot na lang ako. "A-ano kasi kuya--" huminga muna ako nang malalim. Paano ko ba 'to sasabihin sa kaniya? It's now or never. Ulol mas mamamatay pa yata ako sa kaba dahil kay kuya. "M-m-ma-may nakita po kasi kaming kakaiba sa isla na iyon."

"Anong kakaiba?"

"Like you know... that... that spooky things." I said while fidgeting my fingers.

Nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya. Oh no. "Okay, so pumunta kayo sa lugar na alam niyong nakakatakot?"

"H-hindi po namin alam na nakakatakot pala iyon kuya," depensa ni Mira.

Pinanlakihan ako ng mga mata ni kuya. Oh god iiyak na ba ako? "Before kayo pumunta sa lugar na iyon, familiar ba kayo o hindi?" tanong niya ulit.

Umiling ako. Sorry guys dito na talaga tayo mapapagalitan.

"And how many times did we tell you na huwag na huwag kang pumunta sa lugar na hindi mo alam?!" His voice roared all over the corners of the house. Napakislot ang mga kasamahan ko dahil sa ginawa ni kuya. "Alam mo naman siguro kung ano'ng puwedeng mangyari sa iyo hindi ba? Sa kondisyon mong iyan--" Inis niyang sinuklay ang buhok.

Napatingin sa 'kin ang aking mga kaibigan. Bakas sa mga mukha nila ang pagkalito. They didn't know about this. I didn't inform them about this because I don't want them involved about the supernatural happenings of my life.

"Son, that's enough. Bukas na lang natin sila kausapin. Tingnan mo kararating lang nila saka pagod pa sa biyahe," saad ni mama.

"Dito na kayo matulog at gabi na. Baka may makita pa kayo sa daan."

Sabay-sabay silang napatingin kay mama habang hindi maipinta ang kanilang mga mukha. Naalala nila siguro ang nangyari sa amin kanina. Mama naman e tinakot pa sila.

Sinamahan sila ni mama sa guest room namin. Malaki ang bahay kaya expected na marami ang bakanteng kuwarto. Magkaibang kuwarto ang mga babae sa mga lalaki kaya dalawang malalaking kuwarto ang nagamit. At saka sigurado akong kasya naman sila roon. Hindi rin ito ang unang pagkakataong nakitulog sila rito. Pagkatapos no'n ay sinamahan din ako ni mama sa kuwarto ko.

"Hindi ka na mag-ha-half bath?" Tanong ni mama nang mapansing pahiga na ako sa malambot kong kama.

Nginitian ko si mama saka umiling. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay gusto ko na talagang matulog na. Pakiramdam ko'y hinang-hina na ako.
"Sige matulog ka na at kami na ang bahala sa mga gamit ninyo." Hinagkan niya ako sa aking noo.

"Salamat mama," mahinang saad ko. Ipinikit ko ang mga mata kasabay ng pagsara ng pintuan palatandaang lumabas na si mama. Ngunit hindi pa man nakaiilang minuto nang marinig ko ulit ang pagbukas ng pintuan. Hindi ko kinayang buksan ang mga mata dahil sa bigat nito.

"Atarah baby," dinig kong boses ni kuya Amos. "Pagpasensiyahan mo na si kuya kung napagtaasan kita ng boses. Alam mo naman kung gaano ako kaistrikto sa mga bagay na ganito. I'm just afraid of losing you. We almost lost you before and at that moment I promised myself that I will never let that happen again. You know how much dangerous it is for you, Atarah. Please just avoid things like that para hindi na nag-aalala ang kuya sa 'yo. I love you, baby. Sweet dreams," mahabang sinabi ni kuya habang hinahagod ang buhok ko. Naramdaman ko rin ang paghalik nito sa aking noo bago umalis sa kama at lumabas.

Namuo ang mumunting ngiti sa labi ko. Sabi ko na nga ba at malakas ako kay kuya. Aba malamang kami lang dalawa tapos pagagalitan niya lang ako? Ha takot niya lang mawala ako. Kahit strict iyan may pagkasweet din. Ewan ko sa trip ng mga nakatatandang kapatid pero pansin ko talaga kahit sa iba pa na hindi nila kayang i-express ang kanilang mga damdamin. Alam mo 'yon?

Actually kasalanan ko naman talaga kung bakit ganiyan kaistrikto sa akin si kuya ngayon. Kung hindi lang talaga iyon nangyari hindi magkakaganiyan si kuya.

Atarah's Metamorphosis [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon