Kabanata 1☠︎︎

684 23 12
                                    

Kabanata 1

ATARAH

"Guys!" Napahagikhik ako sa aking pagkakaupo nang makita ko kung paanong sabay-sabay na napatalon sa gulat ang aking mga kaibigan sa biglaang pagsigaw ni Mira. Sinundan ng galit na ekspresyon ang kanina'y gulat na mukha ni Nash. Subalit balewala lang ang ekspresyong ipinakita nito sa kaibigan niyang si Mira dahil tinawanan lamang siya nito nang pagkalakas-lakas. "Plano naman kayo ng outing. Nakakaburyo talaga rito sa bahay," ani ni Mira.

"Oo nga, sawa na ako sa pang-uutos ng malditang babae na iyon." Nakakunot ang noong saad ni Eve na halos magkadikit na ang mga kilay nito. I know she's pertaining to her big sister na mahilig siyang utusan. "And I want it for real! Ayaw ko ng drawing lang. Wala akong pangkulay."

Seryosong tinanguan ito ni Chris. "Buhay nga niya hindi mo makulayan, ito pa kayang plano natin."

"What the hell?" Masamang tingin ang natamo nito kay Eve.

Patay-malisiya siyang tumingin sa amin sa screen. "Well anyway kung palarin mang makulayan talaga itong plano ninyo pakikuha lang ako sa bahay." Saad ng lalaking kahit malaki na ay hindi pa rin pinapayagang gumala nina tito at tita. Kinakailangan pa'ng sunduin at ipagpaalam. Kinalog pa kaming mga babae.

"Tss," maikling tugon ni Nash. Ito namang kaibigan kong ito kinalog pa ang babae sa pagkamaldita. Alam niyo bagay sila ni Eve, lahat masungit. Speaking of bagay tumingin ako sa kanang bahagi ng screen kung saan magkasunod ang icon ng dalawang tahimik sa grupo. There I saw how intently he was looking at--- To whom is he looking at kaya? Hmm may hinala talaga ako sa dalawang ito. Alam mo iyong para bang lalabas sa screen ang mga titig niya na aakalain mong sa iyo siya nakatingin. Ngumiti siya. Natanto kong nahuli niya akong nakatingin sa kaniya kaya sinuklian ko rin ang kaniyang mga ngiti.

Kinuha ko ang isang baso ng gatas na nakalagay sa taas ng mesa 'tsaka ako marahang sumandal sa kinauupuang sofa habang iniinom ito. Kasalukuyan akong nakaupo sa salas ng aming bahay. Nakapatong ang mga paa sa itaas ng mesa habang nasa aking harapan ang aking laptop kung saan pagmumukha ng mga kaibigan ko ang nakikita sa screen. Umagang-umaga'y nagrereklamo ang mga ito na wala raw silang magawa. Summer break namin ngayon kaya walang pasok. Hindi naman kami makagala sapagkat wala kaming maibibigay na dahilan sa aming mga magulang. Nakakaburyo nga naman talaga sa bahay. Alam mo 'yong pakiramdam na paulit-ulit na lang iyong ginagawa mo sa araw-araw kung kaya't minsan nalilito ka na kung ano'ng araw na ba. Kaya naman araw-araw nakawawalang-gana ang maligo, magbihis, kumain, at ni tumayo nga ay ang hirap gawin. Iyong mas gugustuhin mo na lang ang mahiga sa kama at matulog nang buong-araw. Katulad lamang ngayon na gulo-gulo pa ang aking buhok. Kung hindi pa nga ako binuhat ni kuya mula sa pagkakahiga ay malamang sa malamang kayakap ko pa ngayon ang mahiwagang unan ko. Mukha akong bruhang ginulpi sa ayos ko ngayon ngunit binalewala ko ito. Bakit ako mag-o-overthink kung kuya ko nga araw-araw akong pinupuri sa kagandahang taglay ko.

Natigil ako sa aking pagmumuni-muni nang magsalita si Salie. "Ito na lang guys since atat na atat naman na tayong gumala. Maghanap na lang tayo ng lugar na mapupuntahan natin," mungkahi niya. Sobrang hinhin itong magsalita at minsan lang din sumabay sa usapan. Almost all the time ay pakikinig lang ang ginagawa nito kaya't kapag nagsasalita na ito ay hindi namin mapigilan ang makinig sa kaniya.

"Magandang idea iyan pero paano tayo makakalabas kung hindi naman tayo papayagan?"

"Marami pang paraan para diyan," sagot ni Chris kay Mira.

"Lol nagsalita ang hindi strikto ang mga magulang." Sinimangutan ito ni Mira.

In the end, napagkasunduan naming lahat ang maghanap ng lugar na pasok sa taste namin but of course with the help of google. I laughed at the thought na lahat na lang ng gagawin ngayon ay kailangan na ng google. Napailing-iling ako habang may ngiti sa aking mga labi.

"Uyy may ka-chat na ba ang isa diyan?" kantyaw ni Chris.

"Ganda ng ngiti ah." Dagdag naman ni Martin na mukhang inaway dahil sa ekspresyon nito.

Tumawa ako. "Porke't nakangiti na ibig sabihin may ka-chat na? 'Di ba puwedeng may naisip lang?"

"E ano namang iniisip natin? Baka naiisip mo na naman ang abs ko no?"

Napangiwi ako. "Shuta ka. Baka ab iyan walang s dzuh."

"Gusto mo pakita ko pa sa 'yo?" Nakaakto na itong aalisin ang suot nitong damit.

"Atarah, close your eyes now! Damn it, Chris! What the hell are you doing?!" Martin yelled when Chris really did undress his shirt. He's now almost naked. Aaminin kong may abs talaga at maganda ang katawan ng kaibigan kong ito pero hinding-hindi ko aaminin sa harap niya. Ang saya kaya kapag ginagalit siya. Ang daling mainis kapag usapan ay ang abs niya. Ang tanga naman kasi, siya na nga nag-open ng topic about sa abs niya tapos siya ang huling maiinis?

I didn't listen to Martin. Nanatiling nakabukas ang aking mga mata. Bakit ko naman isasarado e wala namang malisiya sa 'kin ang makita ang katawan nito. Tumitig siya nang masama sa screen. Kanino kaya ito nakatingin? Sa akin ba o kay Chris? But why do I get this feeling na sa akin siya nakatingin? Nagkibit-balikat ako "What?" inosenteng saad ko.

"Chris!" sigaw ulit ni Martin.

"Tama na iyan Chris. Wala kaming paki sa ab mong iyan." Walang ka-emo-emosyong saad ni Nash.

"Hindi nga ab kundi abs!" Naiiyak na sigaw ni chris na para bang batang inaway ng mga kaibigan nito.

Nagbangayan na silang tatlo habang kaming mga babae ay itinuloy na lang namin ang paghahanap ng pupuntahan namin. Hours later of searching, wala pa rin kaming napili na lugar. Suggest sila nang suggest ng mga lugar kaya hindi ko na talaga alam kung saan talaga. Nagkandalituhan na.

"Can't you guys just pick one para matapos na tayo rito?" Nash retorted. Sabi ko na nga ba at maiinis na naman ito. Hinintay ko talaga kung hanggang saan ang pasensiya nito. Akalain mo 'yon naka-isang oras siya. Uma-upgrade na siya ah, buti naman.

"Sa Hara Island na lang kaya tayo para matapos na? Nagsusungit na naman kasi ang dakilang bakla riyan. Nakakainis," iritadong asik ni Mira.

"Oh sige. Sa Hara Island na tayo," walang alinlangang pag-sang-ayon ni Chris. Mukhang napagod na rin siya. Sino'ng hindi mapapagod e kanina pa siya sambit nang sambit ng iba't-ibang lugar.

"Sa makalawa tayo guys ha? Walang paasa. Hindi na ito drawing," saad ni Mira. "Hindi ko kayo papansinin hanggang pasukan kapag pinaasa niyo ako. Alam ninyo namang ayaw ko ng paasa."

And that settles the matter. Sa Hara Island kami pupunta. I don't know that place, ngayon ko nga lang narinig. Hindi ko rin matandaan kung sino ang unang nag-suggest nito. Basta ang alam ko nasali siya sa pagpipilian. Dahil na rin sa pagod ay sinang-ayunan na naming lahat total maganda rin ang lugar na iyon. May nakaka-attract sa kaniya na hindi ko maipaliwanag. After ending the call, napagpasiyahan kong mag-impaki na ng mga gamit na kakailanganin ko sa outing namin. Pagtapos no'n ay paghingi na lamang ng permisyo kay mama ang kulang.

Atarah's Metamorphosis [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon