*HERA'S POV*
Naramdaman ko na lang na hinawakan ako nung gwapong I-ta na yon sa braso.
"Come with me" - I-ta
aba at nag-uumengles din? Napaka-weird ng mga tao dito!
"and why should I?" Mahina lang kaming nagpapalitan ng salita. Mahirap na baka mahuli kami at mukhang may tinatago pa naman sila.
"You're Hera, right?"
"H-how did you know?"
"Come with me to the tribe if you want to know"
Tribo? may tribo dito? diba iyon yung grupo ng mga I-ta?
maingat na umatras ito palayo sa lugar na iyo, Namamalayan ko na lang na ganon din ang ginagawa ko. sumusunod ako sa kanya.
Naging maayos lang ang lakad namin. nang malayo-layo na kami sa ilog na iyon.
ibang daan na ang tinatahak namin at parang alam ko na kung saan iyon.
Sa Tunnel.
Natatanaw ko na nga ang Tunnel na iyon. Dito rin namin sya unang nakita ni Gill. Ano bang meron sa Tunnel na yan?
Nang malapit na kami ay may kinapa ito sa leeg. isang kwintas na normal na tali lang at.. Susi?
Hinila nya ko papasok sa Tunnel. Sobrang dilim. Wala akong makita.
Maya-maya lang may kumalat na liwanag gawa ng lighter nya.
naninigarilyo ba sya?
tuloy-tuloy lang ang lakad namin. wala akong makitang liwanag sa dulo. May nakaharang ba don?
Huminto din kami ng nasa dulo na kami. Pinto nga sya na gawa sa bakal. Salamat sa lighter nya kasi kung walang liwanag at dare-daretso kami sa paglalakad, baka nauntog na ko jusko! bakal pa naman! huhu
lumuhod ang lalaki, kinapa kapa ng isang kamay nito ang lupa na tinatapakan namin. Nang marahil may makapa ay hinalukay nya ang lupa. nagulat ako ng mahukay nito ay isang malapat na bakal din parang may sikretong taguan. binuksan nito iyon, isa palang susian!
at ang susi ay yung kwintas nya!
nangmaisalpak nito ang susi at ipaikot iyon ay wala namang nangyare. Muli lang nitong kinuha ang susi at sinara ang susian. tinabunan ulit ng lupa at tsaka ulit tumayo.
yun na yon? para sana yon?
Biglang gumalaw ang gate na nasa harapan namin. Unti-unting bumukas ang Pintuan.
nang sa wakas ay bumukas iyon, Tumambad sakin ang mangilan-ngilang Ita(Ay-ta), hindi sya nag-iisa! marami sila!
Ito ang tribo nila!
ibig Sabihin? dalawang bayan ang mayroon sa isang isla?
at bakit nilagyan ng pinto ang Tunnel?
Hindi mo aakalain na may ganito pang lugar dahil nasa dulo ito ng kagubatan na hindi mo gugustuhing tahakin. malayo-layo ito sa ilog kung saan madalas kami ni Gill magpunta.
natatapunan ng gumuhong lupa ang bubong netong tunnel na nagmistulang daanan sa taas niyon. pati nga sa labas ng tunnel ay may mga nagkalat na malalaking bato at namumuong Lupa dahilan para hindi mo mapapansing may lagusan doon.
Alam ba ito ng mga taga bayan? Si Gill ba alam din nya?
---
sakto lang ang layo ng mga bahay sa lagusan. Ang mga Tao dito ay normal na kamiseta at short lang naman ang suot.
BINABASA MO ANG
A Few Step (Completed)
General Fiction"WHAT?!" "YES!" "NO!" "YES! YES!" "NO!" "YES! YOU'VE BEEN TRICKED! HAHAHAHA!" THE ADS WAS FIFTEEN YEARS AGO! I've been trapped in an Island na hindi ko alam kung parte pa ba ng Pilipinas! gosh! "I want her to stay here not because of me, but becaus...