58 : "say something, Hera"

5 2 0
                                    

* HERA'S POV *

Kanya-kanya na sila ng kwentuhan, pero ako?

lutang pa rin ang isip ko. pilit kong pinagtutugma lahat ng nangyari.

Tila naramdaman ni Ash yung pagkabalisa ko dahil wala sa kanila ang atensyon ko.

"Ahmp.. Hey Jin.." pukaw ni Ash ng atensyon ng lahat.

nagtatakang tinignan sya ni Jin. "bakit?"

"what kind of girls are you into?" - Ash

napaisip ito bigla. "hmm.. my type?"

"O-oy.. seryoso ng topic ah.." - Warren

alam kong nakakaramdam din si Warren ng tensyon ngayong gabi, kaya siguro naisipan nitong makisali sa topic.

"well?" untag ni Ash kay Jin.

nakakapagtaka naman yata na sa dami ng nandito ay si Jin pa napili nyang tanungin.

"hmm" tila nag-isip pa muna ito. "nice? I guess?"

"Mukhang di ka pa sigurado ah.." - Nyx

natawa sila sa biro ni Nyx.

ako naman ay alanganin ang ngiti. lutang ang isip ko. nasa iba ang diwa ko.

"hmm.. someone who make me laugh.." - Jin

"Parang may someone ka na ah?" tukso ni Skye.

"tsk." - Ash

pinagmasdan ko si Ash, bakit tila duda pa sya sa sinabi ni Jin?

"that's not what I'm talking about.." - Ash

tinantiya ni Jin ang mga tingin ni Ash. "then, what are you talking about?"

umirap si Ash ng palihim. "yun bang tipo na cute o kaya maganda.."

"or the sexiest hot one?" tudyo ni Warren

"yan siguro mga gusto mo 'no?" kastigo ni Allie kay Warren.

"eh?" napangiwi si Warren.

"Ayan kasi.. suggest ka pa ah, hahaha" - Jin

"C'mon, tayo-tayo lang naman nandito.. no need to hold back, speaking of.. ano bang tipo nyo sa isang babae o lalaki?" - Ash

bakit ba biglang naisip yun ni Ash?

wala ako sa mood kaya tumayo ako. "Gusto kong magpahangin saglit.." kusnag lumabas sa bibig ko yun.

tila nauunawaan nila na tumango lang ang mga ito.

kaya naman naglakad na ko palayo sa kanila..

gusto kong mapag-isa..
gusto kong makapag-isip..
gusto kong alalahanin ang lahat ng nangyari..

nakakailang lakad na ako palayo sa tribo.. kung nasaan ang tunnel.

wala sa sariling nagkusa ang mga paa ko na lumabas sa tunnel.

Nang makalabas doon ay napagpasyahan kong magpalipas oras sa tabing dagat..

niyakap ko ang sarili ko nang dumaan ang sariwang hangin sakin.

maya-maya lang ay tanaw ko na ang dagat. Nang makalapit ay tinanaw ko lang ang dulo niyon kahit na maraming nagsasabi na walang dulo ang dagat dahil bilog ang mundo.

tumayo lang ako sa dalampasigan, sinasamyo ang sariwang hangin..

Nasaan nga kaya si..

saan nga kaya sya nagpunta..

A Few Step (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon