* HERA'S POV *
Maaga akong pinuntahan ni Gill sa Bahay na tinutuluyan ko .
Pinasakay nya ako sa Kabayo na alaga nya. Eto din yung kabayo na dala nya noong Preciosa festival, tandang-tanda ko pa kung paanong naiirita palang ako sa kanya nung una , Pero ngayon heto kami, may relasyon na.
napangiti ako pag naaalala ko yung mga unang pagkakataon na urong-sulong kami sa isa't-isa. Kumbaga, Hindi malaman kung mag iiwasan o mag aaminan .
"saan ang punta natin?" tanong ko .
"simbahan."
bigla kong naramdaman yung pagbilis ng tibok ng puso ko.
narinig ko na natawa sya ng mahina . "maaga nagsisimula ang misa kapag piyesta." anito.
"piyesta?"
"uhmm, piyesta ngayon ng Barrio De hestia, I think the Mayor prepared many surprises."
"talaga? Hindi ko pa nakikita yung Mayor, pupunta din ba sya?"
bigla akong na-excite . Mula ng mapunta ako dito sa isla ay hindi ko pa nakikita ang Mayor ng Bayang ito, na dapat ay syang unang sadya ko.
natahimik ito.
"uy!" baling ko sa kanya kasi di na nya ko nasagot.
"oh , where here."
nilingon ko kung nasan na ba kami . nasa tapat na kami ng simbahan, ang ganda lang ng pagkaka-ayos ng mga bulaklak sa paligid .
unang bumaba ng kabayo si Gill, at ako naman , inalalayan nyang makababa din .
"wait here, I'll just tie him".
inalalayan nito ang kabayo papunta sa isa sa mga puno na nandoon para itali . ako naman naghintay lang sa lilim.
pinagmasdan ko ang paligod , pistang pista nga ang datingan. nagkalat na din ang ibat-ibang booth. tanaw ko nga si Jin na kausap si Jenine . patango-tango ang dalagita sa bawat sinasabi ni Jin .
sa isang dako naman ay sina Aling Ading , naghahanda ng isang mahabang lamesa . Sa gilid ng lamesang iyon ay may malaking tarpaulin na nakasabit. "Foodtrip-an sa Barrio de Hestia"
Nakakatuwa, Busy ang lahat.
"let's go inside,Hera" - Gill
Hindi ko na namalayan yung paglapit ni Gill.
Ngumiti ako sa kanya, tsaka kami sabay na pumasok sa loob ng simbahan. namili kami ng uupuan. bandang gitna.
Natanaw ko si Ariane sa unahan , napansin nya din agad ako kaya kinawayan nya ko at nginitian.
Maya-maya lang ay tumunog na ang kampana. Hudyat pala na magsisimula na ang misa.
( FAST FORWARD )
Matapos ang Misa ay nagsilabasan na ang lahat sa simbahan , patungo sa plaza na kaharap lang din naman ng simbahan.
Ngayon ko lnag napansin na may itinayong maliit na entablado sa Gilid na Makikita din ng lahat.
Nandoon sina Ezekiel pati ang mga partido nito.
"Magandang araw sa inyong lahat!" pasimula ni Ezekiel . " Pagbati at Maligayang Kapistahan sa ating lahat.."
Nagsasalita pa si Ezekiel pero naagaw ng atensyon ko ang pag dami ng tao. Nakakapagtaka lang kasi na ganito pala kadami talaga ang naninirahan dito sa isla.
Sa araw ng pista ginigising ng Musiko ang mga tao. Maraming tao . May mga palaro at paligsahan . Ang kalye ay may dekorasyon , may mga ginupit-gupit na makukulay na plastik. nakakabit ang mga ito sa pisi na ibibitin sa mga daan. (a/n::source/google)
BINABASA MO ANG
A Few Step (Completed)
Fiksi Umum"WHAT?!" "YES!" "NO!" "YES! YES!" "NO!" "YES! YOU'VE BEEN TRICKED! HAHAHAHA!" THE ADS WAS FIFTEEN YEARS AGO! I've been trapped in an Island na hindi ko alam kung parte pa ba ng Pilipinas! gosh! "I want her to stay here not because of me, but becaus...