10 : Stay?

69 57 1
                                    

*HERA'S POV*

Dinalaw ng Antok si Aira, marahil siguro sa kakaiyak kaya napagpasyahan namin na ihatid sya sa tinutuluyan nito.

Nakarating na kami sa bayan, tahimik na ang paligid konting lakad pa ay narating na namin yung bahay nila Aira.

"Thank you guys, I appreciate it." tipid na ngumiti si Aira samin tsaka nagpaalam na papasok na sa loob.

nawala na sa paningin ko si Aira kaya tumalikod na rin ako para lang marealize na nakatitig pala sakin si Gill.

"why..?" - Gill

"huh?" naguguluhan ako sa sinabi nya.

nagkibit-balikat ito tsaka tinalikuran ako. "nevermind."

akmang aalis na sya ng magsalita ako "G-gill.. "

Hindi sya humarap pero ramdam ko na naghihintay sya sa susunod ko pang sasabihin.

tumikhim muna ako, feeling ko may bumara sa lalamunan ko. "B-bakit mo ako hinalikan?"

natigilan ito. Ilang sandali pa bago sya nagsalita "you were noisy back then, right?" Humakbang na ito palayo.

tss! Sa inis ko sa sagot nya ay sinundan ko pa sya. "twice mong ginawa yun!"

mabibilis na ang mga hakbang namin palayo sa bahay nila Aira. Ngayon nasa daan kami tinatahak yung mga bahay na malalayo ang pagitan sa isat-isa.

lumihis ng way si Gill papunta sa mga puno, syempre pa dahil gabi na ay madilim na sa lugar na iyon, buti na lang may liwanag pa rin ng buwan kahit papano.

naiinis pa rin ako kasi di ako mapakali na ganito sya sakin! kaya ang ending lumihis din ako para sundan si Gill.

papunta ito sa ilog. Medyo nakakabisado ko na yung daan. Hindi mo nga naman maiisipan na may tinatagong ilog dito sapagkat walang tamang daan papunta doon, kumbaga walang bakas ng daanan.. ikaw ang bahala kung saan mo gusto maglakad makapunta lang sa ilog, marami kang madadaanan halaman at mga puno, marami ding damong ligaw at mga bato-bato.

nakakalayo na kami sa realidad, I mean sa bayan hehe.

"Hoy!" tawag ko pa.

nagpatuloy lang sya sa paglalakad pero bumagal na. Buti naman kasi ang lalaki ng hakbang nya kumpara mo naman sakin diba?

"You shouldn't kiss a girl as you please!"

natigilan ito.

salamat huminto ka din! "ganyan ka ba? kung kailan mo lang gustong halikan yung babae gagawin mo? hah?!" sinermunan ko talaga sya kasi bigla ako nainis sa idea na yun.

teka nga bakit ako maiinis aber?

syempre, iniisip nya yata na okay lang sakin na ganon-ganon lang ako.. excuse me! hindi ako cheap!

humarap ito sakin tsaka humakbang palapit sakin.

sa gulat ko napahakbang ako paatras. Pero bawat atras ko ay syang lapit nya. hanggang sa maramdaman ko na lang yung puno na nasa likod ko na pala..

"so nosy .."

"H-hoy! hindi ako bungangera! kanina mo pa kasi ako hindi pinapansin!"

"should I'll kiss you again, so you can keep your mouth shut?" tinitigan nito yung labi ko ng nakangisi.

nakaramdam ako ng pag-iinit sa mukha kaya bumaling ako sa ibang direkyon. Hindi ako makahanap ng sasabihin. Bumibilis yung tibok ng puso ko.

"or as you said earlier.." ngumisi ito. "I can kiss whenever I felt like.. it."

A Few Step (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon