* HERA'S POV *
kinabukasan ay maaga akong ginising ni Ashley.
"Bakit ganyan mukha mo?" tanong ko sa kanya ng tuluyang magising ang diwa ko. tumayo na rin ako para sana maghilamos.
"nasa baba sila tito.."
mahina lang iyon pero nagpahinto iyon sa ginagawa ko.
alanganin ang naging tingin ko sa kanya, baka nagkamali lang ako ng rinig.
ngumiwi ito. "kasama din si tita.."
"d-di nga?"
tumango ito.
kinabahan ako bigla. bakit biglaan naman yatang nagpunta sila Papa at Mama sa Isla?
mahigit isang buwan na rin kaming nai-stay ni Ash dito.
"b-bakit daw"
"hindi ko rin alam."
napakunot ang noo ko. bagaman tumalima din agad ako para mag-asikaso.
kailangan ko din naman kasi talaga silang kausapin. lalo na ang dami kong katanungan.
nang maligo at makapagbihis ay bumaba na ako, nasa baba na din si Ash.
Nandito nga sila Papa at Mama.
nagkatingin sila sakin..
"Pa.. Ma.." anas ko.
"Hera.." - Mama.
umiwas ng tingin si Papa.
lumapit ako sa kanila. gusto kong magalit dahil may tinatago sila sakin pero naagaw ng atensyon ko ang mga bagahe nila.
nagtatakang tinignan ko sila.
"P-pasensya na anak.." - Mama
"A-anong nangyare?" hindi man nila aminin sakin ay nararamdaman kong may masamang nangyari.
"N-nabenta na ang bahay at lupa natin 'Nak." diretsahang sabi ni Papa.
kumabog ang dibdib ko. "h-huh?"
napatungo ang Papa ko.. "Nabaon ako sa utang.. Sorry.."
natigilan ako sa pag-amin ni Papa. kailan pa? teka, akala ko ba malakas ang negosyo..
napatingin ako kay Ashley, eto man ay nakitaan ko ng lungkot.
"H-hindi na nakabawi ang Papa mo.." - Mama, hustong maiiyak sya habang nagsasalita.
hindi ko magawang lumapit pa kay Mama dahil anumang oras ay alam kong manlalambot ang mga tuhod ko.
"P-pa.. K-kailan ka pa nagkautang?" tanong ko.
hindi ito makatingin ng diretso sa mga mata ko.
"M-matagal na.." nahihiyang napahilamos ito sa mukha gamit ang mga palad nya. "Noong nalaman namin na babae ka.."
muli na namang kumabog ang dibdib ko. anong kinalaman ng kasarian ko at nagkautang si Papa nang ganong katagal??
nagtatakang natitigan ko si Mama. "Ma.. linawin nyo naman.. ipaintindi nyo sakin kung anong nangyayari.."
ang aga namang balita nito.
hindi mo talaga mahuhulaan kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. kahapon lang ay punong-puno ng saya ang puso ko, pero ngayon..
totoo ngang lahat ng saya may kapalit na lungkot..
parang gusto ko ng magtampo sa nangyayari sakin ngayon.
BINABASA MO ANG
A Few Step (Completed)
General Fiction"WHAT?!" "YES!" "NO!" "YES! YES!" "NO!" "YES! YOU'VE BEEN TRICKED! HAHAHAHA!" THE ADS WAS FIFTEEN YEARS AGO! I've been trapped in an Island na hindi ko alam kung parte pa ba ng Pilipinas! gosh! "I want her to stay here not because of me, but becaus...