Prologue

2.2K 33 0
                                    

"Lucky!" Malakas na sigaw niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Lucky!" Malakas na sigaw niya. Hingal na hingal.

Nakita niya kung paanong bagot na lumingon sa kanya ang binata. Sabay nitong inilagay sa magkabilang bulsa ang dalawang kamay saka siya seryosong tinaasan ng kilay.

"What again, Twilight?" Seryoso na nitong usal. Hindi kakikitaan ng interes.

Nakagat niya ang pang ibabang labi habang nakatingin sa kaibigan. Sa bestfriend niya. Sa kababata niya. Bagaman gusto niya itong yakapin, pakiramdam niya ay sa kung paano siya tignan ngayon ng binata ay aayawan nito iyong mangyari.

Sa kung paano siya nito tignan ngayon ay parang noon lang sila nagkita. Na parang hindi siya nito kilala. Ibang iba sa kung paano siya nito tignan noon.

Napalunok siya saka pinilit ang sarili na ngumiti. "Uhm..ano.."

Hindi niya alam ang sasabihin. Na blangko siya. Walang namutawing salita sa bibig niya. Pakiramdam niya ay napakalayo na sa kanya ng binata.

"What?" Inis ng usal nito. Tila nawawalan ng pasensya.

Sa kahihiyan at kawalan ng sasabihin ay basta nalang siyang umiling rito. "W-Wala!"  Napapalunok pa siya nang sabihin iyon.

Sa sinabi niyang iyon ay nakita niya kung paanong napakunot ng tuluyan ang kilay ni Lucky. Tumagilid ang ulo nito na tila pinag aaralan siya. Wala siyang nagawa kundi mapayuko. Nakakaramdam talaga ng hiya sa pagkakataong iyon.

"Stop pestering me, Twilight."

Matigas nitong tugon na halos ikinabigla niya!

Agad siyang nag angat rito ng tingin pero nakita niya na ang bulto ng likod nitong papaalis na.

Gustong gusto niya itong habulin sa pagkakataong iyon. Dahil pakiramdam niya ay kapag nawala ito sa paningin niya ay siyang pagkawala rin nito sa buhay niya.

At ayaw niya iyong mangyari.

So she decided.

Pagkaraan ng ilang sandali ay ngumiti siya. Iyong determinado! Pinahid rin ang mga luhang natuyo na sa pisngi niya.

Saka mabilis na tumakbo papunta sa gawi ng binata. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit rito ay naiisip niya na ang mga gagawin niya para mapaamo ito.

Of course, she's gonna pester Mr. Lucky Hoven just to get his attention.

Hey, Lucky ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon