Chapter Sixteen

774 12 6
                                    

"HI, NEIGHBOR!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HI, NEIGHBOR!"

Masayang bungad niya pagkabukas na pagkabukas pa lamang ng pinto ni Lucky. Kuntodo namumungay pa ang mga mata nito hudyat na kakagising pa lang.

Pero hindi naman nakatakas sa mga mata niya ang namumutok nitong mga braso. Umagang umaga pero sobrang flex no'n!

It's only 6 am in the morning!

Kagagaling niya lang rin sa jogging kaya't naisipan niya ng dalawin ang kapit bahay niya.

Nahihiya siyang ngumiti. "Hi?"

Pinakatitigan lang siya nito. Siguro ay pangit na pangit ito sa itsura niya ngayon dahil basang basa siya ng pawis. Nanlalagkit rin siya at baka amoy pawis siya!

"What are you doing here?" He asked. Finally he spoke!

Iyon nga lang ay masama na ang tingin nito.

"Dumadalaw." Saka siya tumawa ng mahina. Pagkatapos ay kaswal niya lang itong dinaanan at pumasok sa bahay nito.

Nagpalinga linga siya. Wala masyadong gamit sa bahay. Maayos naman ang loob at malinis.

"Dito kana nakatira?" Tanong niya habang naglalakad papuntang kusina. Binuksan niya ang double door refrigerator at kumuha doon ng tubig.

"Yeah."

"Kailan pa?" Tanong niya pagkatapos uminom. Ibinaba niya ang tubig sa sink pagkatapos ay humarap sa gawi ni Lucky. Pero nagulat nalang siya nang nasa harapan niya na pala ang binata!

Titig na titig sakanya ang inaantok pa nitong mga mata. Napalunok siya.

"After you stopped pestering me." Seryoso nitong sagot habang matalim nang nakatingin sa kanya.

Napakurap siya. Stop pestering him?

So..last month?

Isang buwan na rin kasi noong huminto siyang pumunta sa bahay nito. Baka iyon 'yong time na lumipat nga si Lucky ng bahay.

"Aaaah.." Pagtango tango niya. Pinilit ang sariling matawa kahit walang nakakatawa. Nakamot niya ang batok. "Oo. Naging..busy kasi."

"Hmm.." Iyon lang ang sinabi nito saka umalis na sa harapan niya. Habang papanhik pa lang sa hagdan pabalik siguro sa kwarto ay nagsalita pa ito.

"After that, leave my house. Just lock the door."

"H-Ha?"

"Leave my house." Bagot na itong nakatingin sa kanya. Hindi na natuloy ang pag akyat.

Ngumuso siya. "Pero ayaw ko pang umalis." Naupo siya sa isa sa mga high chair.

"What?"

Ngumiti siya ng malapad! "Anong breakfast ang gusto mo?"

Pinaningkitan siya bigla nito ng mata. Kumiling ang ulo nito na parang inaalam ang balak niya. Nagtataka siguro.

Pero hindi niya tinanggal ang ngiti sa labi. Pagkatapos ay tumayo na ulit siya at nagtungo sa fridge.

Hey, Lucky ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon