Chapter Two

822 24 1
                                    

"Doc, mamimiss ka po namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Doc, mamimiss ka po namin."

Napangiti siya nang marinig iyon galing sa ilang mga nurse na napalapit na sa kanya. Isa isa niya itong binigyan ng yakap saka ngumiti.

"Dadalaw ako if I have time, alright."

"Doc Twilight, malayo po ba ang La Cresza? Kami nalang po ang dadalaw sainyo doon!"

Natawa siya sa tinugon ng isa sa mga nurse na si Sabel. "Well, 8 hours ang byahe by bus. 30 minutes by plane. You decide."

Nagtanguan ang mga nurse sa harapan niya. Mukhang may balak talagang magpunta ang mga ito sa La Cresza para bisitahin lamang siya.

Ngayong araw ang alis niya papunta doon. Ito na ang huling araw niya sa Fatima Claire Hospital. Matapos ang isang taong mahigit na serbisyo rito ay balak niya ng sa La Cresza magtrabaho.

Sa kanyang sariling bayan.

Kulang ang mga doctor sa La Cresza Medical Hospital kaya naman naisipan niyang doon na magtrabaho. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil matagal niya na rin iyong balak.

Mahigit walong taon rin siyang wala sa bayan na iyon nang mag aral siya rito sa Maynila. Pagkatapos 'non ay hindi na siya kailanman nakauwi doon.

Ano na kayang bago sa La Cresza?

Pagkatapos niyang kunin lahat ng gamit sa kanyang opisina ay nagtungo naman siya sa opisina ng matalik niyang kaibigang si Doc Gael.

"You're leaving already?" Tanong nito saka tumayo at sinalubong siya sa pinto para kuhanin ang mga gamit niya na nasa isang karton.

Tumango siya saka ngumiti. "Thank you for everything, Doc."

Si Doc Gael ang nagturo sa kanya ng mga bagay na wala siyang ideya noon. Senior niya ito dahil sa mas matagal na ito sa ospital na pinagtrabahuhan niya. He's 5 years older than her.

She's 28 and Doc Gael's 32. Pero wala pa itong asawa. Even girlfriend!

"Oh you don't call me that, Twilight." Nagtaas ito ng kilay.

Natawa nalang siya saka napailing. "Okay, Gael. Paano? Aalis na ako?" Aniya.

"Do you need help? Anything?"

"No. I think I'm fine."

"Anong oras flight mo?"

Tinignan niya ang wrist watch saka napangiwi. "9 am. I think I better go, Gael. 1 hour nalang ang meron ako para makapaghanda."

Napatango tango ito saka dagliang hinubad ang lab coat. "I'll accompany you, then. Let's go."

"What?"

"Ihahatid na kita."

"How about your patients?"

"Raemon's here, Twilight. He can handle them. Besides, hindi toxic ngayon."

Hey, Lucky ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon