Chapter Ten

754 14 1
                                    

HINDI na niya mabilang kung ikailang buntong hininga na ang ginawa niya ng sumunod na araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI na niya mabilang kung ikailang buntong hininga na ang ginawa niya ng sumunod na araw. Kahit nagtatrabaho siya ay seryoso lang siya at panaka-naka lang ang pag ngiti. Kapag kinakausap ay sasagot siya pero hanggang doon lang iyon.

Pakiramdam niya ay wala siya sa wisyo at lakas para makipag kwentuhan sa kahit na kanino.

What's happening to her?

Isa lang naman ang rason na naiisip niya.

It's because of Lucky.

Lucky. Tsk. That guy.

Naiinis siya sa sarili dahil pagdating na pagdating niya rito noon sa La Cresza ay si Lucky na agad ang pinromblema niya. Ang laging naiisip niya. Ang laging laman ng utak niya.

Iyong pag iwan niya rito, kung pu'pwede pa silang maging kaibigan, kung maibabalik pa ba ang dati sa kanila.

Iyon lang lagi.

Nasapo niya nalang ang ulo saka natakpan ang mukha ng mga kamay habang nakatukod iyon sa lamesa. Nasa opisina niya siya ngayon dahil kakatapos lang ng isang surgery niya.

Napabuntong hininga nalang ulit siya. Napahalumbaba na parang walang buhay.

"Lucky.." Mahina niyang bulong habang nakatingin sa kawalan. Napanguso siya bigla. "I hate you.."

Naiinis siya sa sarili kapag naaalala ang mismong sinabi sa kanya ni Lucky kagabe..

"Cause I don't wanna be your bestfriend anymore."

"Tsk." Inis na tugon niya.

Ang isa pang ikinaiinis niya ay nasaktan siya dahil doon. Iyong sakit na tagos hanggang buto. Iyong tila pinipiga ang puso niya. Hindi niya ini'expect na ganoon ang epekto no'n sa kanya. Na ganoon iyon kasakit hanggang ngayon.

Ganoon ba talaga kaimportante sa kanya si Lucky?

The answer is probably yes.

Kakambal na ata ng bituka niya ang bituka rin ng binata. Na parang sa sobrang dikit no'n ay kaunting hila lang palayo sa kanya ng binata ay masusugatan siya.

Nanghihina niyang naihiga ang ulo sa lamesa habang nakanguso. Naiinis siya at nasasaktan. Hindi niya alam kung anong mainam gawin para maging okay ang nararamdaman.

Ayaw niya naman ng kulitin ang binata. Ayaw na nito sa kanya. Kinamumuhian na siya nito. Galit ito sa kanya! Ayaw na siya nitong maging kaibigan ulit!

She lifelessly sighed.

Mananatili pa sana siya sa ganoong posisyon nang may kumatok sa pintuan niya. Agad siyang napaayos ng upo saka napahinga ulit ng sooooobrang lalim.

"Come in." Sigaw niya rito.

Bumukas naman ang pinto agad at iniluwa no'n si Nurse Snow. Ang pinaka malapit sa kanyang nurse rito sa Hospital.

"Hi, Doc. Sorry po sa abala."

Hey, Lucky ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon