Chapter Seven

711 14 5
                                    

NANG sumunod na mga araw ay naging busy siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANG sumunod na mga araw ay naging busy siya. Halos gabi na rin siya laging nakakauwi dahil sa sobrang toxic sa Hospital.

Hindi na nga niya madalas makausap ang mga magulang sa sobrang busy. Darating siya sa bahay nila tapos didiretso na agad sa kwarto para maligo at magpahinga.

Walang mga araw 'non na hindi siya napagod. She's physically and mentally tired. She's exhausted. Parang any minute bibigay ang katawan niya dahil sunod sunod na ginagawa.

Sobrang daming naka line up na surgery sa bawat araw. Ilang araw kasi ang ginugugol nila sa ilang mga pasyente. Hindi pa doon kasama ang mga pinapaanak. Minsan pa nga ay kinabukasan na siya nakakauwi dahil sa daming pasyente.

Ngayong araw lang ata na alas singko siyang makakauwi. Pagkatapos ay linggo bukas kaya naman balak niya lang magbasa ng medical books at matulog.

"Pauwi na po kayo, Doc Twilight?" Biglang tanong sa kanya ni Snow. Ang isa sa mga mababait na nurse rito sa hospital. Ito rin ang madalas na maging surgical first assistant niya sa mga surgery.

Ngumiti siya saka tumango. "Yes. Bakit? May Kailangan kaba?"

Nakangiti itong umiling. "Wala po. Ingat po kayo!"

Agad siyang napangiti sa tugon nito. Siguro ay mayroon pa itong duty kaya hindi pa ito aalis. She bid goodbye to her bago tuluyang lumabas ng Hospital.

Saktong paglabas niya sa ospital ay namataan niya ang lalaking pamilyar sa kanya.

Nangunot ang noo niya ng nakangisi itong lumapit sa kanya.

"Hi, Doc." Bati nito. Hindi niya alam kung bakit ang tinig niyon ay sensual para sa kanya. O talagang ganoon lang ito magsalita?

"Nice too see you again." Tugon pa nito.

Sa ikalawang pagkakataon na nagsalita ito ay doon niya lang naalala kung sino ang lalake.

It's Liam.

She force a smile. "Hi," bati niya rin.

Ayaw niya talagang makipag usap kahit kanino ngayon. Gusto niya lang sanang magpahinga agad. Pero ayaw naman niyang maging rude sa binata.

"Pauwi kana ba?" Tanong nito. Nakangisi parin. Simple lang ang tanong nito pero mahihimigan doon ang kayabangan.

"Yes." Simpleng sagot niya habang naglalakad palapit sa sasakyan niya. Sinusundan naman siya ni Liam.

"Mind if we eat first somewhere?" Biglang tanong nito ng bubuksan niya na sana ang pinto sa driver seat.

Napalingon siya rito. Sumabay doon ang mahaba niyang buhok. Napatingin siya sa binata na hanggang ngayon ay nakangisi. Tila inaasahan na papayag siya agad.

Alanganin siyang ngumiti. She's really tired. "I'm sorry, uh, Liam, right?" Hindi pa siguradong tanong niya. Nakita niyang nawala agad ang ngisi nito dahil doon. "I don't want to reject your offer but I'm too tired today. Marami kasing naging trabaho, at wala pa akong tulog." Ngumiti siya rito. Nagpapaintindi.

Hey, Lucky ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon