HINDI siya mapakali habang nagmamaneho. Maya't maya siya kung tumingin sa side mirror ng kanyang sasakyan.
Nakikita niya mula doon ang sasakyan ni Lucky na nakasunod sa kanya lulan ang mga bulaklak.
Napahinga siya ng malalim saka napalunok. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. May kung ano sa tiyan niya na nakakapag dulot ng kaba.
Hindi niya maisip kung bakit nagpresinta itong maghatid ng mga bulaklak. Kanina lang ay pinag aantay siya nito ng truck. Tapos biglang ganito ang nangyari.
Gulong gulo tuloy siya.
Pero bigla ring sumagi sa isip niya na baka nainip na ito kakahintay kaya't nagpresinta nalang. Mag aalas otso na rin kasi at baka nagmamadali na itong makauwi.
Oo, tama. Baka iyon nga ang dahilan.
Pinilit niya nalang na magfocus sa pagmamaneho.
Hindi nagtagal ay nakarating rin agad sila sa bahay niya. Agad siyang bumaba. Tamang tama naman na kakalabas lang ng mommy't daddy niya sa bahay. Mukhang kakauwi lang rin. Sinalubong sila nito.
"Mom, dad,"
"Natagalan ka ata, dear?"
"Sorry, mom. I was--"
Hindi niya na natuloy ang sasabihin ng lumabas si Lucky sa sarili nitong sasakyan saka nagmano sa mga magulang niya.
"Oh, Lucky, Hijo!" Masayang bati ng mommy niya.
Tinapik naman ito bigla ng daddy niya na malaki ang ngiti.
"Good evening po, Don Zeco, Donya Ophelia." Magalang na bati nito.
"Bakit ka naririto, Hijo?"
Bago pa man makasagot si Lucky ay inunahan niya na.
"Sakay po ng sasakyan niya ang mga bulaklak, mom. Wala po kasing truck na--"
Hindi na siya pinatapos ng mommy niya ng magsalita ito."Oh, thank you, hijo!" Mas lumaki ang ngiti nito. Napahalakhak naman ang daddy niya.
Napangiwi nalang siya dahil sa ilang na nararamdaman. Mukha nga talagang alam ng mga magulang niya na si Lucky ang may ari ng Flora Martin. Siguro ay suki na ito doon.
Agad naglabasan ang mga kasambahay nila saka pinagkukuha ang mga basket ng rosas sa sasakyan ni Lucky. Agad ng mga itong dinala iyon sa bakuran para maarawan parin bukas at hindi mamatay.
"Halika, Hijo. Sabayan mo na kaming maghapunan." Ngiting tugon ng daddy niya.
"Oo nga, hijo." sabat ng mommy niya. Lumingon pa ito sa kanya. "Atsaka, mukhang ngayon lang ulit kayo nagkita ng aking anak."
Biglang humalaklak ang ama niya. "Oo nga naman. Mas maganda niyan ay mag bonding kayo kung kailan."
Napayuko nalang siya dahil sa awkwardness. Hindi alam ng mga magulang niya kung anong nangyari sa kanila noon ni Lucky. Ang alam ng mga ito ay matalik parin silang magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Hey, Lucky ✓
Romance"Stop pestering my life, Twilight." WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS. [LA CRESZA SERIES #2]