Chapter Five

766 18 5
                                    

NANG mag lunes ay excited siyang nagtungo sa Ospital

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANG mag lunes ay excited siyang nagtungo sa Ospital. Unang araw niya sa trabaho doon at talaga namang masaya siya.

Hindi niya pa napigilang batiin ang mga madaanan niyang mga nurse at kapwa doctor.

Nagsimula ang araw na iyon sa hindi marami-raming pasyente. Wala namang severe cases kaya naman hayahay lang sila.

Dumaan ang hapon at doon naging busy ang lahat. Nagkaroon ng operasyon kaya kailangan siya sa operating room. Mabuti nalang at alerto at maasahan ang mga nakasama niya. Hindi sila masyadong nahirapan.

May ilan pang dumating na kailangan ng matinding aksyon na hindi na tinanggap pa ng ospital dahil sa kakulangan sa facilities. Iyon na ata ang malungkot na oras sa buhay niya.

Ayaw niya talagang nakakakita ng pasyenteng hindi tinatanggap. Alam niyang hindi dapat awa ang nangunguna sa isang doctor, pero talagang hindi niya maiwasan.

Ang mga nireject na pasyente ay dadalhin agad ng Ambulansya sa siyudad ng Casta Mella. Kung saan kompleto sa facilities.

"Doc Twilight, may pasyente ka. Nasa opisina mo." Saad ni Doc Emily nang makasabay niya ito sa elavator.

Agad niya iyong tinugon. Nagtungo kaagad siya sa opisina niya at nadatnan doon ang isang binatilyo.

Inayos niya ang suot na lab coat bago ito nginitian. Naupo siya sa swivel chair saka ito matamang tinignan.

"Hi," masayang bati niya rito.

Muslot na muslot ang mukha nito na tila may galit sa mundo. Naka crossed arms pa ito tanda ng pagiging defensive sa lahat ng bagay.

"What's your name?" She asked. Nilabas niya ang medical form at ang isang pen saka ulit bumaling sa binata.

"Why'd you even care? Tsk." Angil na sagot nito.

Ngumiti ulit siya. Mabuti nalang talaga at itinuro sa medical school na dapat habaan lagi ang pasyensya sa mga pasyente.

"Well, because I'm your doctor." she smiled. Dahan dahan niyang inilahad ang kamay rito. "I'm Doctor Twilight Coldwell, and you are?"

Nag angat agad ito ng tingin sa kanya saka ngumisi. "Are you single?"

"Definitely." Kaswal lang na sagot niya. Baka sakaling mapa amo ang binata. Pero agad rin itong nagtanong ulit.

"Are you a virgin, then?"

Napakurap siya sa sinabi nito saka bahagyang natawa. "Why'd you asked?"

Nagkibit ito ng balikat. "Same to my question as well. Why'd you even need to asked my name? Tss. Boring." Angil nanaman nito. Kunot na kunot pa ang noo nito na tila pasan ata ang problema ng buong mundo.

Okay..now she knows kung anong problema ng binata.

Bago pa siya ulit makapagsalita ay may pumasok ng matandang lalaki sa opisina niya. Agad itong humingi ng paumanhin saka tumingin sa binata.

Hey, Lucky ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon