Chapter Nine

734 19 1
                                    

N

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

N

AGPUNTA na sa opisina niya si Mitch ng mga sumunod na araw. Nasabi niya na rin dito kung anong mga dapat gawin. Kahit mukhang naguguluhan ang dalaga ay pumayag parin ito.


Hinayaan niya nalang ang dalaga. Pero balak niyang kumustahin ang kalagayan nito sa mga susunod pang araw. Sana nga lang ay matagalan nito si Nigel.

Nang araw ding iyon ay nagkaroon sila ng malaking surgical mission. Naubos ata ang oras niya maghapon dahil doon.

Pagod na pagod siyang napasandal sa swivel chair niya. Napapikit siya saka hinilot ang magkabila niyang balikat. Pagkatapos ay napatingin siya sa orasan. Alas otso na ng gabi. Maya maya ay may meeting pa silang magaganap.

Mukhang hindi nanaman siya makakauwi.

Napahinga nalang siya ng malalim bago tumayo. Balak niyang magtungo sa kantina ng ospital. Hindi pa siya naghahapunan.

Paglabas niya sa opisina ay naglakad agad siya patungo sa canteen. Pero bago iyon ay nakasalubong niya ang umiiyak na babae.

"Doc, Parang awa niyo na! Buhayin niyo ang anak ko!" Humahagulgol ito habang hawak hawak sa magkabilang balikat si Doc Rian. "Sige na, doc! Bata pa po siya! Walang taong gulang palang ang anak ko!"

Nakita niya naman kung paanong malungkot na napailing ang katrabaho. "I'm sorry. But we did our best. Talagang malala na po ang anak niyo. I'm sorry." Pagkatapos 'non ay tumalikod na ito saka umalis.

Naiwan namang tulala ang babae. Natigil ito sa pag iyak pero mukha na itong walang buhay. Bago pa man ito mapaupo sa panghihina ay nahawakan niya agad ang mga balikat nito.

"Miss," Agad niyang nasabi rito. Mahihimigan ang pag aalala.

Doon ulit ito tuluyang naiyak. Humagulgol na ito na tila wala ng bukas.

"Ang anak ko! Ang anak ko!"

Nakagat niya nalang ang pang ibabang labi.

Sa ganitong mga sitwasyon ay hindi niya maiwasang makaramdam ng awa. Sa mga taong namamatayan sa araw araw. Sa mga taong nag aalala sa mga taong mahal nila. Nakaka bagabag ang isipang 'yon. Pakiramdam niya ay kulang pa ang mga ginawa nila. Na dapat mas ginalingan pa nilang mga doctor.

Pero minsan ay naiisip rin niya na baka iyon na talaga ang huling araw nito. Na iyon na talaga ang nakatakdang mangyari. Na hanggang doon nalang ang buhay nito. Nakakalungkot man ay kailangang harapin iyon. Nakakabaliw man ay kailangang tanggapin dahil hiram lang naman ang mga buhay natin.

"Adelaida.." Napabaling siya sa nagsalita. Isang matandang lalake. Mugto rin ang mga mata nito. Hindi na siya nagtaka ng mabilis itong lumapit sa inaaalalayan niyag babae at basta itong niyakap.

"Pa, wala na ang anak natin. Wala na siya. Wala na siya." Humahagulgol na usal nito.

"Tahan na, ma. Tahan na." Pinunasan nito ang namamalisbis na luha. Nananatiling matatag. "Kung nasaan man ang anak natin ay alam kong nasa mabuti siyang kalagayan."

Hey, Lucky ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon