HINDI na siya mapakali habang nagmamaneho. Sobrang lakas na ng pintig ng puso niya. Kinakabahan na rin siya. Maraming katanungan ang sumasagi sa isip niya.
Kung kamusta na ito. Kung galit ba ito. Ano na kayang itsura nito? Tingin niya ay ganoon parin naman ito. Mataba parin ito. May salamin parin sa mata at mahiyain.
Hindi niya napigilang mapangiti nang maalala ang itsura nito noon.
Ganoon parin kaya hanggang ngayon?
"Iliko mo dya'an, apo. Iyong puting bahay na may malaking pulang gate ay saamin."
"Opo." Tumango siya saka iniliko ng tuluyan ang sasakyan.
Kung ganoon ay malayo na ang bahay nila sa dati nilang bahay na ngayon ay strawberry farm na.
Nagpatuloy pa siya sa pagmamaneho hanggang sa makakita ng magarang puting bahay sa di kalayuan. Doble ang laki 'non sa bahay nila! May malaking gate na pula na may nakasulat na,
'Hoven Residence'
Oh my god!
"Iyan na po ba 'yon, Nana?" Gulat na tanong niya.
Narinig niya ang halakhak ng matanda. "Oo, apo. Ipinundar iyan ni Lucky."
Namamangha niyang ininhinto ang sasakyan sa harap ng gate. Nagulat pa siya ng otomatiko iyong bumukas. Nang bumukas ay sumalubong sa kanila ang babaeng nakadamit pang kasambahay. May hawak itong maliit na remote na tingin niya ay sa gate.
Tumango lang ito sa kanya saka siya nagpatuloy sa pagmamaneho papasok. May fountain sa gitna ng bahay kung saan iikutan ng mga sasakyan. Lumiko siya doon at saktong inihinto ang sasakyan sa tapat ng malaking double door.
Lumabas na siya ng sasakyan para alalayan ang matanda. Nang makalabas sila ay maligalig siya nitong inaya na pumasok.
"Dito kana mananghalian, apo."
Napaawang ang bibig niya. Dumoble ang kaba. Inaasahan niya na iyon dito at balak niyang tumanggi kaagad.
Pero mukhang mahihirapan siya.
Seeing Nana smiling at her like this, hindi niya kayang tumanggi.
Pero hindi niya rin kayang makita si Lucky!
Iniisip niya palang na nandito sa bahay na ito si Lucky, ay umuusbong na agad ang kaba niya.
"Tara, apo." Aya nito sa kanya saka siya hinila papasok ng bahay. Kahit naiilang ay nagpatianod siya rito.
When they entered the huge house, namangha agad siya. Mga antique ang kagamitan ng bahay na halatang mamahalin. Mataas ang ceiling ng bahay. Sa taas pa noon ay malaking chandelier.
"Naghanda kana ba ng pananghalian natin, Gina?"
"Opo, Nana."
Iginaya siya nito agad sa dining hall. Hindi na siya nagulat nang makitang sobrang laki ng lamesa doon. Marami ring pagkain sa ibabaw. Mukhang kasabay rin nila Nana ang mga kasambahay na kumain.
BINABASA MO ANG
Hey, Lucky ✓
Romance"Stop pestering my life, Twilight." WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS. [LA CRESZA SERIES #2]