Chapter Fifteen

718 17 4
                                    

MABILIS siyang umalis sa bahay ni Lucky nang hapong 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MABILIS siyang umalis sa bahay ni Lucky nang hapong 'yon. Nasa kalagitnaan palang siya ng pagbukas ng pintuan ng sasakyan nang matigilan na siya at basta na lamang naiyak.

Sobrang bigat sa dibdib ng nakita niya. Natutop niya ang bibig at tahimik na naluha.

Ang mas nakakalungkot pa ay hindi man lamang siya sinundan ni Lucky.

Oo. Ineexpect niyang susundan siya nito at mag eexplain kung ano ang totoong nangyari. Na mali ang nakita niya.

Pero hindi. Walang sumunod na lalake. Walang dumating na Lucky.

Ano ba dapat kasi ang asahan niya? Na magpapaliwanag ito sa kanya? Ano ba siya? 'Eh hindi nga siya matawag na kaibigan dahil hinahabol niya parin ito! Tapos ay magpapaliwag pa?

Napaka imposible. Sobrang imposible.

Agaran na siyang sumakay at pinaandar ang sasakyan. Habang nagmamaneho ay tumutulo parin ang luha niya. Kaya naman nang nasa bandang matandang narra na siya ay inihinto niya ang sasakyan at basta na lamang humagulgol.

Umiyak lang siya ng umiyak.

Nahinto lamang siya nang tumunog ang phone niya. Lucky' calling.

Pinunasan niya ang mukha saka kagat labing sinagot ang tawag.

"Twilight.."

Nang marinig ang tinig ni Lucky ay otomatikong namalisbis ulit ang luha sa mga mata niya. Napalunok siya at pilit kinalma ang sarili.

"H-Hey..W-What's up?" Pinilit niyang mag tunog masaya.

"Where are you?"

Natahimik siya. Hindi iyon ang inaasahang ibubungad sa kanya ni Lucky. Hindi ba ito magpapaliwanag? Hindi talaga? Hindi?

Kumibot ang labi niya dahil doon. Naiiyak nanaman.

Tumawa nalang siya ng mahina. "Uhm, I..I actually don't know." suminghot siya. "Nagmamaneho kasi ako. M-Malapit na ata ako sa ospital." Pagsisinungaling niya.

Natahimik sa kabilang linya ng ilang segundo.

"H-Hello?"

"Are you..okay?"

Napangiti siya ng mapait. Napasandal sa upuan saka napatingin sa matandang narra na abot tanaw niya.

"I'm okay."

She heard Lucky sighed. "Alright."

Then she hung up the phone.

Huminga pa muna ulit siya ng malalim bago napahawak sa manobela saka pinaandar ang sasakyan.

DUMAAN ang ilang linggo. Nagpaka busy ulit siya. Hindi niya hinayaan ang sariling walang gagawin. Ultimo trabaho ng iba ay inaako niya na para lamang makaiwas sa pagi isip. Madalas tuloy ay overtime siya. Sa loob ng ilang linggo ay laging 3 to 4 hours lang ang tulog niya.

Hey, Lucky ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon