Chapter Twelve

759 14 4
                                    

NANG magising siya kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANG magising siya kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo niya. Agad siyang bumangon atsaka nagtungo sa maliit na sink. Naghilamos at nag toothbrush. Pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

Napapikit siya nang dumampi sa kanya ang hangin. Napayapos siya atsaka doon dumilat. Napangiti siya ng makita ang sunrise. Humahalik iyon sa malinaw na dagat.

Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi. Wala siya ni isang nakalimutan. Lahat iyon ay nanatili sa utak niya.

Lucky..

Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito sa sinabi kagabi. Wala siyang ideya. Imposible naman na..siya ang tinutukoy nito.

Matagal na noong nagkagusto ito sa kanya. Kaya't naiisip niya na wala na itong katiting na pagkagusto sa kanya ngayon. Imposible na iyon. Malabo na. Gayong iniwan niya ito noon.

Isa lang tuloy ang nasa isip niya.

May nagugustuhang iba ang binata.

Iyon ang malinaw.

Hindi niya alam pero biglang nanikip ang dibdib niya sa isipang iyon. Napahawak siya doon saka napahinga ng malalim. Napailing pagkatapos ay kinalma ang sarili.

Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng gano'n. Kung bakit parang nasaktan siya sa isipang may nagugustuhang iba si Lucky. At hindi siya iyon.

Napapikit nalang siya saka napahawak sa railings ng kwarto. Ayaw sa naisip. Napakunot ang noo niya. Tila naiinis sa sarili.

Hindi pwede. Hindi pwedeng may nararamdaman pa siya kay Lucky hanggang ngayon.

Hindi iyon makakatulong para maibalik ang pagkakaibigan nila.

Oo. Desidido parin siyang pilitin itong maging makaibigan ulit sila. Dahil sa ginawa nito kagabi, na tinulungan siya nito, ay malaki ang tyansa na may pakealam parin naman ito sa kanya. Ayaw lang nitong aminin dahil nasaktan ito.

Tama. Kukulitin niya parin ang binata. Pipilitin niya parin itong mabalik ang pagkakaibigan nila kahit sungitan siya nito araw araw.

Pero kailangan niyang kalimutan ang nararamdaman. Kung meron man.

Kung kailangan niya itong tulungan mapalapit sa babaeng nagugustuhan nito, ay gagawin niya. Maging okay lang ulit sila.

Saka niya na iintindihan ang nararamdaman.

Napahinga nalang siya ng malalim.

Bigla ay sumagi naman sa isip niya ang dalawang kaibigan. Naalala niya na wala siyang katabi sa pagtulog.

Kung ganoon ay nasa'n si Yuuna?

Sa tanong niyang iyon sa isip ay biglang bumukas ang pintuan sa katabing kwarto. Napabaling siya doon at nagulat ng magtama ang tingin nilang dalawa.

Hey, Lucky ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon