"Perfume and incense bring joy to the heart, and the pleasantness of a friend springs from their heartfelt advice." Proverbs 27:9
_____
"ETO, BET ko ang pwesto na ito," turo ni Cherry Mae sa computer screen.
Nasa ticket booth na sila ng Victory Liner at kasalukuyang namimili ng seat number. By reservation din kasi ang mga seats upang masiguro na lahat ng pasahero ay may mauupuan.
Isang all expense trip to Baguio for two ang ibinigay na gift certificates ng Presidente ng San Agustin University dahil sa pagkapanalo nila sa inter-college singing competition. Tulad ng napagkasunduan nila, sa Baguio nila ipagdiriwang ang Noche Buena. Pumayag naman ang mga magulang nila kaya naroon sila sa terminal ng bus ngayon.
"Sa likod talaga ng driver? Bakit diyan?" Kunut-noong tanong ni Lee sa kanya.
"Siyempre para makikita ko lahat ng view," excited niyang sagot.
First time kasi niyang pumunta ng Baguio kaya gusto niyang sa likuran ng driver siya uupo. Para walang sagabal sa view niya habang nasa biyahe.
"Alam mo bang hindi safe ang left side? Dito na lang tayo sa second row sa kanan," suhestiyon ni Lee.
"Eh walang magandang view diyan. Kung sa front row sana sa kanan, ayos lang kaso may nakaupo na eh," aniya.
"Eh di sa 'kin ka na lang tumingin para siguradong maganda ang view mo palagi," hirit nito.
"Bakit, maganda ka ba?" banat niya sabay belat dito.
"Hindi. Pero guwapo ako. Kaya guwapong view ang makikita mo kapag sa akin ka titingin. Ayos ba?" pilosopong sagot nito.
Ginalaw-galaw na naman nito ang dalawang kilay nito para kutyain siya. Sasagot pa sana siya kaso may nagreklamo nang pasahero sa likuran niya.
"Oy, mamaya na ga kayo magligawan diya-an at pagka-init init na dine!" sigaw ng isang matandang lalaki sa likuran niya.
Nahihiyang kinagat niya ang ibabang labi. Nang tumingin siya sa naroong cashier ay nahalata niya agad ang pagkayamot sa anyo nito. Marahil naiinip na ito dahil sobrang tagal nilang makapili ng upuan.
"Ayan tuloy kumontra ka pa kasi," sabi niya kay Lee.
"Hindi nga kasi safe sa side na iyon. Sa second row sa kanan na lang kasi tayo umupo. Sige na," pakiusap nito.
"Bahala ka na nga. Bayaran mo na agad at nang makaupo na tayo. Nakakahiya na sa mga naghihintay," sagot niya.
Sumunod naman ito. Ilang sandali pa ay hawak na nila ang kanilang ticket at resibo.
"Pasensiya na po kayo, tatang. First time ko po kasi dito," hinging paumanhin niya sa matanda.
"Naku, Ineng. Huwag mong ipahalata na pers taymer ka dito at baka mapagsamantalahan ka ng mga magnanakaw dine. Huwag kang hihiwalay diyan sa boypren mo," sagot nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
"P-po? H-hindi ko po—"
"Narinig mo ba iyon, mahal? Kaya tara na. Huwag kang bibitiw sa 'kin," singit ni Lee. Naputol tuloy ang sasabihin sana niya sa matanda.
"Sige po, 'Tang. Mauna na po kami," paalam pa ni Lee dito.
Hinila siya nito papunta sa bus na sasakyan nila. Magrereklamo pa sana siya kaso alam niyang hindi siya maririnig nito. Sobrang maingay ang terminal na iyon dahil sa busina ng mga bus.
Ilang sandali pa ay nakasampa na sila sa bus. Ipinatong ni Lee ang mga backpacks nila sa overhead storage bin bago sila naupo.
"Bakit mo na naman ba pinalabas na magnobyo tayo? Akala ko hanggang sa airport lang iyong pagpapanggap mo na iyon?" pang-uusisa niya rito.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 2: My Deceitful Heart COMPLETE
ChickLit"There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love." 1 John 4:18 __________ Saan ba hahanapin ang One True Love? May formula kayang dapat gamiti...