8. Sa'yo Lang Ang Puso Ko

1.6K 51 12
                                    

“You are altogether beautiful, my love; there is no flaw in you.” Song Of Solomon 4:7

 __________

“DITO KA umupo sa tabi ko,” bungad kay Cherry ni Lee nang makababa siya.

Kumpleto na silang lahat sa ibaba. Tulad na nakagawian ay sa front lawn ng mga bahay nila hihintayin ang pagsapit ng bagong taon. Ready na rin ang fireworks set up ng mga tatay nila. Panata na yata ng mga ito tuwing sasapit ang bagong taon ang pagpapatutok.

“Ano’ng meron? Kailangan ba magka-holding hands pag bagong taon?” tanong niya kay Lee.

Agad kasi nitong ginagap ang isang kamay niya pagkaupo na pagkaupo niya.

“Wala lang. Bakit? Bawal na bang hawakan ang kamay mo? Arte.” 

Tumaas ang isang kilay niya sa narinig. “Bakit ang high blood mo? Para nagtanong lang. Hala, sige kung interesado ka sa kamay ko eh di sa’yo na,” aniya.

Agad nagliwanag ang mukha nito.

“Talaga?” nakangiting tanong nito.

“Bahala ka nga. Ang weirdo mo,” aniya.

Nakangiting hinaplos nito ang kamay niya at itinapat iyon sa mukha nito.

“Hello. Will you be my girlfriend? Loveless ako sa bagong taon eh. Pwede bang tayo na lang?” kausap nito sa kamay niya.

“Adik ka talaga, Panget,” aniya sabay bawi sana sa kamay niya. Kaso pinigilan nito iyon. 

“Huwag ka ngang makulit. Nagmo-moment kami ng baby ko. Istorbo ka,” angal pa nito. 

Walang pasabing tinampal niya sa mukha nito ang kamay niya na kinakausap nito.

“Excuse me lang ha? Kamay ko kasi ‘yang baby mo. Huwag mo ngang pagdiskitahan ang kamay ko. Hindi ka naman siguro nagpapalihi para maging baliw sa bagong taon ano?” reklamo niya.

Padabog nitong ibinalik sa kanya ang kanyang kamay. “Ang KJ mo naman, Cherry. Kaya ka hindi nagkaka-boyfriend eh.”

Pinandilatan niya ito. “Hoy! Malapit na akong magkaka-boyfriend no? Wait mo lang. Hindi magtatagal, aamin rin siya sa hidden feelings niya sa akin,” excited na hirit niya. 

Hindi magtatagal, aamin ka rin sa hidden feelings mo sa akin, Lee. Hohoho.

“Psh. Sino? Si Gabe? Asa ka pa. May nililigawan na yun. Maganda. Maputi at higit sa lahat...” sadyang ibinitin pa nito ang sasabihin. 

“Higit sa lahat ano?” sabik niyang tanong. 

“Secret.”

Hinampas niya ito sa braso. “Salbahe ka. Gawa-gawa mo lang naman yan eh. Saka, pakialam ko ba kung may nililigawan na si Gabe? Hindi naman siya ang may hidden desire sa akin. Basta, nandiyan lang siya sa tabi-tabi,” nakangiting sambit niya. 

Kapag hindi pa nito na-gets ang ibig niyang sabihin, babatukan na talaga niya ito. 

“Ah, alam ko na. Siguro taong grasa ang may hidden feelings sa’yo. Nasa tabi-tabi lang kasi sila eh—aray! Tingnan mo ‘to. Asar talo. Hindi ka na mabiro. Sige ka, baka buong taon kang nakasimangot niyan,” pananakot pa nito sa kanya.

“Ay, nag-joke ka pala? Hindi halata. Gusto mo ba ng mas nakakatawang joke? Yung tipong sasabotahin ko lahat ng future dates mo buong taon. O kaya ipagluto ko ng cake na may uod ang babaeng liligawan mo,” banta niya rito. 

One Perfect Love 2: My Deceitful Heart COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon