10. Harsh Reality

2.7K 68 27
                                    

“The heart is deceitful above all things

and beyond cure. Who can understand it?”

Jeremiah 17:9

 

“HI TWEET! Welcome to the family of Christ. These cookies are for you,” sambit ni Cherry sa sarili habang naglalakad siya papasok sa campus.

            Ang tinutukoy niyang Tweet ay walang iba kundi si Lee. Bagong taon noon at unang araw din sa klase pagkatapos ng Christmas vacation. Ibig sabihin, tapos na ang maliligayang araw nila. Haharapin na nila uli ang mga activities at subjects na pansamantalang nahinto dahil sa pagsapit ng pasko at bagong taon.

 Tulad ng plano niya ay gusto niyang i-celebrate ang pagkakaroon ng new life at new heart ni Lee. Pinagbake niya ito ng cookies. Balak niya itong puntahan sa gymn kung saan ito nag-e-ensayo kasama ang campus basketball team. Balita niya ay magiging team captain na daw ito in the near future. Kaya double-purpose ang cookies na ginawa niya para dito.

Ngayon din ang araw na pinili niya para magtapat na siya ng feelings para dito. Katunayan ay pina-practice niya ngayon ang mga sasabihin niya kay Lee mamaya kapag nakita niya ito.

Naloloka na kasi siya sa kaiisip kung ano ba talaga ang score nila. Bakit siya ang niyaya nito na date sa prom? Sabi nito bilang kabayaran daw iyon sa pagsundo at paghatid nito sa kanya. Pero pwede namang ibang bagay ang hilingin nitong kapalit. Bakit date pa? Hindi lang iyon. Andami pa nitong ginawa na napaka-confusing kaya dapat lang siguro na kumprontahin niya ito kung ano ang ibig sabihin ng mga pinapakita nito sa kanya. Nang sa ganoon ay maging malinaw na sa kanya kung ano talaga ang hangarin nito.

            And that stolen kiss.

That was a a few weeks ago pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Dahil lagi niyang binabalikan sa ala-ala ang pagnakaw nito sa kanya ng halik noon.

Hindi nito alam, gising siya noong ninakawan siya nito ng halik. Totoong mataas ang lagnat niya pero hindi pa naman siya tulog noon. Hindi lang niya gaanong maibuka ang mga mata niya dahil mabibigat ang mga talukap niya noon. Dahil siguro iyon sa lagnat niya na nauwi sa trangkaso. Lihim siyang nagdiwang nang mga sandaling iyon. Ibig sabihin, nagtagumpay ang Operation: Make Him Fall na pauso niya. Ang buong akala niya ay wala talaga itong interes sa kanya.

But his stolen kiss told her a different story. Sa tuwing naaalala niya ang moment na iyon ay tila lulundag sa tuwa ang kanyang puso. Imagine? Hinalikan siya ni Lee sa lips habang iniisip nito na tulog siya. Mabuti na lang at hindi siya hinimatay noon. It was totally unexpected. Noon niya na-realize na may hidden desire nga ito sa kanya.

Tapos siya pa ang inalok nitong maging date sa prom. Napakababaw pa ng ibinigay nitong dahilan kung bakit siya ang pinili nito. Lalo tuloy siyang nabuhayan ng loob na may pag-asa nga na maging sila. Maybe he was just waiting for her to make the first move. Ayaw lang siguro nito na ito ang unang babali sa pangako nila sa isa’t isa noon. Kaya siya na ang gagawa ng paraan para maisakatuparan ang minimithi niyang pag-ibig. Kung hihintayin kasi niya ito na magtapat sa kanya ay baka pumuti na lang ang buhok niya ay wala pa ring mangyayari. Ang ending, best of friends pa rin sila.

Kaya balak niya itong sorpresahin ngayon. Alam niyang nasa basketball court ito ngayon dahil tapos na ang klase nito kaninang umaga. Nabalitaan niyang may practice game ito. Siya naman ay mamaya pang 6pm ang klase niya sa araw na iyon.

Kanina pa siya nag-iisip ng magandang endearment para dito. Babaguhin na niya ang nakasanayan niyang palayaw niya dito. Hindi na bagay dito ang tawaging Panget.

One Perfect Love 2: My Deceitful Heart COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon