“Charm is deceptive, and beauty is fleeting; but a woman who fears the Lord is to be praised.” Proverbs 31:30
___________
“TALAGA BANG hindi ka pa nagka-boyfriend, Cherry? Imposible namang wala pang nanliligaw sa’yo eh halos mga lalaki ang kaklase mo sa Architechture. Pati na doon sa org niyo, di ba mga lalaki naman ang members nun? Wala man lang nanligaw sa’yo?”
Napahigpit ang hawak ni Cherry sa kanyang hair blower nang marinig ang tanong na iyon ni Lee. Gustung-gusto na niya itong batuhin ngayon. Nilingon niya ito at tiningnan ng masama.
“Ayos ka rin no? Matapos mo akong pakainin ay pakikialaman mo naman ang nananahimik kong lovelife. Eh, ikaw? Bakit sa halip na yung girlfriend mong mukhang garbage bin ang isinama mo dito ay ako talaga ang pinili mo?” naiirita niyang tanong.
Nakakainis. Kanina lang ay sobrang sweet nito sa kanya. With matching holding hands pa sila habang naglalakad sa Session Road pabalik sa hotel na tinutuluyan nila. Akala pa naman niya ay maaamoy nito ang lotion na ginamit niya pagkatapos niyang magshower. Victoria Secret Amber Romance pa naman ang scent niyon. Imposibleng hindi nito naamoy iyon sa dami ng ibinudbod niya sa katawan habang naliligo ito.
Tapos ngayon, ang non-existent pala niyang lovelife ang gusto nitong pag-usapan? Asar lang.
Napansin niyang kumunot ang noo nito. “Natural, tayo ang nanalo sa contest kaya tayo ang magse-celebrate. Alangan namang tayo ang nanalo pero kami ang magse-celebrate? Napaka-walang galang ko naman pag ganun,” katwiran nito. He continued to dry his hair using his towel.
"Eh, kahit na. Pwede namang sa ibang araw tayo mag-celebrate. Bakit pati Noche Buena gusto mong nandito tayo. Ayaw mo ba siyang makasama sa Pasko? Naku pag ako nagka-boyfriend hindi ako papayag na hindi kami mag-e-exchange gift no,” aniya.
Nang hindi na ito sumagot ay ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Nang sa wakas ay natuyo na ang mahaba at makapal niyang buhok ay kinuha niya ang kanyang pajama set upang dalhin sa banyo para magbihis. Ngunit bago pa man siya makapasok sa banyo ay nagsalita si Lee.
“Nagkakalabuan na kasi kami kaya humingi ako sa kanya ng space,” sabi nito.
Huminto siya sa narinig at muling lumingon dito. Sinalubong nito ang titig niya.
Iyon ba ang dahilan kung bakit bigla ay gusto nitong magseryoso?
“K-kelan pa?”
“Last month lang,” sagot nito.
Last month.
Last month din nito sinabi sa kanya na totohanin na nila ang pagiging magbest friends nila. Na gusto nitong ayusin ang image nito kaya nais siya nitong makasama lagi. Dahil matino daw siya, matalino at may purpose sa buhay.
“I’m sorry...sa nangyari sa inyo,” aniya.
It felt ironic dahil ang babaeng dahilan ng pagshift niya ng course ay may posibilidad nang iwan ni Lee ngayon. Kilala niya ang huli. Never itong nakipagbalikan sa mga babaeng hinihingan nito ng space. Kahit paano ay naaawa siya kay Shayne.
“It’s okay. Magbihis ka na muna tapos tambay tayo sa balcony,” anito.
Ngumiti siya. Alam na alam talaga nito ang trip niya. Kanina pa kasi niya binabalak na tumambay doon kaso pinatuyo niya muna ang kanyang buhok.
“Sige, bihis lang ako,” sagot niya.
Pumasok siya sa banyo at ngumiti. She replayed their conversation habang nagbibihis siya. Cool off pala ito at sa girlfriend nitong si Shayne. Ibig sabihin ay pwedeng pwede niya talaga itong akitin.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 2: My Deceitful Heart COMPLETE
ChickLit"There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love." 1 John 4:18 __________ Saan ba hahanapin ang One True Love? May formula kayang dapat gamiti...