"Your beauty should be that of your inner self, the unfading beauty of a gentle and quiet spirit, which is of great worth in God’s sight." 1 Peter 3:4
_____
“MISS, pwede ka bang maka-duet?”
Mula sa kanyang likuran ay may nagtanong kay Cherry. Nasa Timezone sila noon ni Lee sa loob ng SM Baguio. Kasalukuyang naglalaro ng Tekken si Lee samantalang siya naman ay kumakanta sa isang open videoke booth. Katatapos lang nilang maglibot ni Lee at naisipan nilang dumaan muna sa mall bago sila umuwi para i-celebrate ang Noche Buena.
Nakailang kanta na siya kaso hindi pa tapos maglaro si Lee kaya balak niya uling umakyat sa stage pagkatapos niyang mamili ng mga kanta. Siya lang kasi ang naglakas ng loob na kumanta sa open videoke kaya wala siyang kaagaw. Until now.
Nilingon niya ang nagsalita. It was a cute guy at chubby rin kagaya niya. May dimples ito sa magkabilang pisngi. He looked so friendly with his charming chubby smile.
“H-hi,” bati niya rito.
“Hi. I’m Marx. Richard Marx Avelino. And you are...” nakangiting pagpapakilala nito sa sarili sabay lahad ng isang kamay sa kanya. Hindi niya mapigilan na matawa sa pangalan nito.
“I’m Cherry Mae. Let me guess. Ipinaglihi ka ba ng mommy mo sa sikat na singer na si Richard Marx?” nakangiti niyang sabi at tinanggap ang kamay nito.
Tumawa ito nang malakas. Pati tuloy siya ay nahawa na dito. Hindi niya alam ngunit magaan na agad ang loob niya rito kahit na noon lang sila nagkakilala. Siguro dahil sa pagiging chubby nila pareho kaya kahit paano relate na relate siya rito.
“Not really. Richard Marco daw kasi ang pangalan ng daddy ko kaso iniwan niya kami bago pa man ako naipanganak ni mommy. At least man lang daw through my name ay makikilala ako ng daddy ko. Hindi kasi pumayag ang grandparents ko na gamitin ko ang surname ng dad ko because of what happened. So for them, that was an indication that he didn't want anything to do with me and my mom,” kwento nito sa kanya.
Bahagya siyang nalungkot sa kwento nito. “Oh. I'm so sorry to hear that. Sana mahanap mo na ang daddy mo. Malay mo hinahanap ka rin pala niya at hindi lang niya alam kung nasaan kayo,” aniya.
He only laughed. His chubby cheeks stretched in animation. Nakapagtatakang sa kabila ng ingay ng paligid ay nagkakaintindihan pa rin sila nito.
“Oh, no. I grew up perfectly fine without him. But let’s not talk about me. Tulad ng sinabi ko kanina, why don’t we sing a duet? Kanina pa kasi kita pinapakinggan and I was somewhat drawn to your voice. Nakaka-relax kasi ang boses mo, sobrang ganda,” nakangiting sagot nito.
“H-ha?”
“Sige na. Christmas naman ngayon. Pagbigyan mo na ako. Kahit isang duet lang,” pangungulit pa nito.
Lumingon siya sa gawi ni Lee kaso abala pa rin ito sa paglalaro ng Tekken. May palagay siyang matagalan pa ito doon. Baka nakakita ito ng magaling na oponent at gusto nitong talunin.
Bumaling siya kay Marx at ngumiti. “Sige, let’s give it a try. Ano’ng kanta ba ang gusto mo?”
Agad namang lumiwanag ang mukha ni Marx at lalo pang lumapad ang ngiti nito. “Let’s try the Christmas Song,” sagot nito. Hinanap nito sa songbook ang kantang binanggit nito.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ito. Mabuti na lang at alam niya ang kantang pinili nito. Hindi niya alam kung bakit niya nakilala si Richard sa araw na iyon. Pero may palagay siyang masarap itong maging kaibigan. Hindi siya naku-conscious sa harap nito dahil magkalevel lang naman ang katabaan nila kaya siguro at ease na siyang kausap ito. Hindi siya uulanin ng tukso dahil kahit pa cute ito ay hindi naman ito hunk na tulad ni Lee. Siguradong konti lang ang mga kaagaw niya sa atensiyon nito. Mga babaeng mahilig siguro sa human pillow. Hindi katulad ni Lee. Fat, thin, girl, bakla at tomboy ay kaagaw ay niya sa atensiyon nito.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 2: My Deceitful Heart COMPLETE
ChickLit"There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love." 1 John 4:18 __________ Saan ba hahanapin ang One True Love? May formula kayang dapat gamiti...