Prologue

4K 78 10
                                    

Ang Nakaraan...

Mayabang. Perfectionist. Mapang-api. Mapanlait. Panget.

Iyon ang ilan lamang sa description ni Cherry Mae para kay Lucas Oliver Ybanez o mas kilala sa palayaw na Lee.

Hindi niya hiniling na magkuros ang landas nila. Sa parteng iyon ay wala talaga siyang choice. Dahil mag-bestfriends ang kanilang mga ama. Kaya naman mga bata pa lang sila ay inaasahan na ng mga ito na magkasundo din sila. Naging mag-best of friends sila by default.

Sa totoo lang naalibadbaran na siya dito. Ayaw na niya itong makita pa. Kaso, may magagawa ba siya samantalang magkatabi ang bahay nila? Welcome na welcome din itong pumasok sa bahay nila na tila ba extension iyon ng bahay ng mga ito.

She was also immuned to his so-called charms. Para sa kanya wala nang mas guwapo pa sa ultimate crush niya na si Gabriel Hernandez.

Ngunit nang malaman niyang may liligawan na si Lee ay tila nagwewelga ang mga cells ng puso niya. Tila sumisigaw ang arteries and ventricles niya na pigilan ito. Pati pa ata mga lamanloob niya ay nagpoprotesta din sa plano nito.

So she did the worse possible thing she can imagine. She decided to make him fall for her. Kinalimutan niya ang napakaraming dahilan kung bakit hindi qualified si Lee bilang lifetime partner niya. She compromised and followed her deceitful heart.

Magtagumpay naman kaya siya o uuwi lang siyang talunan?

One Perfect Love 2: My Deceitful Heart COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon