5. Awesomeness Overload

1.4K 46 1
                                    

"For God gave us a spirit not of fear but of power and love and self-control." 2 Timothy 1:7

______________

“MERRY CHRISTMAS Chubby ko,” nakangiting bati kay Cherry ni Lee.

“Merry Christmas din, Panget,” masigla ring sagot niya rito. “Andami nating pagkain. Yes!” excited niyang dugtong.

Nasa balkonahe sila ng kanilang silid. May mesa roon kung saan nila inilapag ang inorder nilang giant pizza from Amare La Cucina at Blueberry Cheesecake galing sa Vizco's Restaurant and Cake Shop. Bumili din sila ng Blueberry Wine habang pauwi sila kanina kaya isinali niya iyon sa kanilang Noche Buena menu. At siyempre, what is Noche Buena without roasted pork and chicken inasal?

“Sigurado kang mauubos natin lahat ng ito? Parang tinitingnan ko pa lang nabubusog na ako,” angal ni Lee.

Hinila nito ang isa sa dalawang silya para sa kanya.

Umismid siya rito sabay upo. “Huwag ka ngang nega. Nasisira lang ang apetite ko eh. Halika na dito. Tumatawag na sila Mama sa Skype,” sagot niya. Hawak niya ngayon ang kanyang tablet.

Mabuti na lang at sumunod agad si Lee. Hinila nito ang isa pang silya at tumabi sa kanya. Nasa screen ngayon ng tablet niya ang mga magulang nila. Pawang nakangiti ang mga ito.

“O, Merry Christmas sa inyo diyan. May pagkain ba kayo?” tanong ng Mama niya.

“Merry Christmas din po. Siyempre naman Mama. Si Cherry kaya ang kasama ko. Imposibleng hindi kami kakain,” si Lee ang sumagot para sa kanya.

Pasimpe niyang siniko si Lee.

Sabay na nagtawanan ang mga magulang nila sa screen.

“Patingin naman ng handa ninyo diyan, Mama,” hiling niya.

“Sure! Heto o, ang laki ng lechon namin at andami naming sweets. Hindi pa nga kami kumakain pero parang inaatake na ako ng hyperglycemia,” sagot ng Papa niya. Ipinakita nito sa kanila ang handa ng mga ito.

Sanay na kasing magsalu-salo ang mga pamilya nila kapag Noche Buena kaya nandoon lahat ang mga ito.

“Naku Pa. Dahan-dahan lang po sa pagkain ng mga matatamis ha? Tirhan ninyo kami ni Lee,” paalala niya sa Papa niya.

“Siyempre naman. Ikaw pa? Lahat ng mga matatamis dito sa inyo na ni Lee,” sagot ng Papa niya.

“Patingin din ng pagkain ninyo diyan, anak,” hiling ng Mommy ni Lee. Ang parents naman ni Lee ang nasa screen ngayon.

“Sige po, Mommy. Eto o, tingnan po ninyo. Hindi naman po masyadong marami. Sakto lang po para sa aming dalawa ni Lee,” sagot niya.

Itinapat niya sa mga pagkain ang camera ng tablet upang makita ng mga ito ang handa nila ni Lee.

“Wine ba yang nakikita ko, anak?” tanong ng Daddy ni Lee.

“Yes, Dad. Blueberry wine po yan. Specialty po nila dito,” si Lee ang sumagot.

“Naku dalhan mo ako ng ganyan anak ha? Gusto kong tikman yan,” hiling ng Daddy nito.

Muli niyang itinapat sa kanila ni Lee ang camera. “Sure po. Magdadala po kami ng pasalubong para sa inyo,” sagot niya.

“O, kain na tayo at hatinggabi na,” anunsyo ng Papa niya.

“Yehey! Finally kainan na,” sambit niya.

Ipinatong niya sa dulo ng mesa ang tablet upang magpatuloy pa ang videocall nila ng kanilang mga magulang.

“O, you lead the prayer Lee, dahil ang Daddy mo rin ang magdarasal para sa blessings namin dito," utos ng Mama ni Lee dito.

One Perfect Love 2: My Deceitful Heart COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon