"One who has unreliable friends soon comes to ruin, but there is a friend who sticks closer than a brother." - Proverbs 18:24
“WHAT THE H—”
“Hey, ayos lang ‘yan, Lee. Huwag ka na ma-badtrip. Pwede naman tayong mag-share sa isang room diba? I mean, kahit noong mga baby pa lang tayo pinagtatabi naman na tayong matulog ng mga daddy natin so walang kaso iyon,” pag-aalo niya kay Lee.
Nang makarating sila sa hotel at nalaman nilang iisang room na lang ang bakante. Nagkamali daw ang isang staff sa booking at isang room lang ang nai-reserve para sa kanila. Puno lahat ng mga kwarto dahil peak season noon at maraming guests ang hotel. Kung maghahanap pa sila ng ibang hotel ay walang kasiguraduhan na may makukuha silang bakante lalo at madaming tao doon ngayon.
“Ikaw lang naman ang inaalala ko, eh. Di ba, ayaw na ng mommy mo na magkatabi tayo sa pagtulog? Ayokong masira ang tiwala niya sa ‘kin. Your mother’s approval is very important for me, Cherry Mae. Kaya ako nag-aalala,” sagot nito.
Kumunot ang noo niya sa narinig. Sinalubong niya ang titig nito. He really looked worried. Tila ba bigla ay pasan nito ang buong mundo samantalang kanina lang ay nakikipagbiruan pa ito sa kanya. Tinotoo pa nga nito ang biro nito na gawing unan hindi lang ang braso niya kundi buong katawan niya mismo.
Habang papaakyat kasi ang bus papuntang Baguio ay lalong lumamig sa loob ng bus. Idagdag pa na December noon kaya mababa talaga ang temperatura sa naturang lugar. Iyon siguro ang dahilan kung bakit napayakap na si Lee sa kanya habang natutulog sila sa biyahe.
Kaya hindi niya maintindihan kung bakit tila big deal na para dito ang pag-share nila sa iisang silid samantalang kung makayakap ito sa kanya sa bus ay tila ayaw na siya nitong pakawalan.
“Really? Bakit naman sobrang mahalaga sa’yo ang sasabihin ni mommy eh dati ka pa namang pasaway at matagal na niyang alam iyon,” katwiran niya.
Umiwas ng tingin si Lee. “E-eh, basta. Ayokong sumugal pagdating sa bagay na ‘yan,” mariin nitong sabi.
Makahulugang tiningnan niya ito. Bakit naman bigla itong nag-iinarte ngayon samantalang ito nga ang madalas na pumupuslit sa kwarto niya dati para manggulo? Hindi yata siya sanay sa nakikita niyang determinasyon sa anyo nito ngayon.
“So, ano ang gagawin natin? Sa kalsada na lang ba tayo matutulog?” Pukaw na tanong niya dito.
Bumuntunghininga ito bago sumagot. “I guess wala tayong choice kundi kunin ang room. Malabo din kasing may bakante sa ibang hotels dahil peak season. Sa couch na lang ako matutulog para masolo mo ang kama, okay?”
“Fine. Pero Lee, king sized bed naman daw ang nandoon. Imposible namang hindi tayo kasya dun?”
“Cherry Mae, you've got to trust me on this. Huwag ka nang kumontra, please. This is too much stress for me to handle,” diin nito.
Kahit naguguluhan siya sa inaasal nito ay hindi na lang siya sumagot. Hinayaan na lang niyang ito na ang makipag-usap sa naroong staff para sa booking nila. Hindi niya maintindihan kung bakit tila big deal dito na sa iisang kwarto lang sila matutulog pero isinantabi na lamang niya iyon. Minabuti niyang dumistansiya muna rito at tumingin sa mga selfies na nakadisplay sa pader. Gawa iyon sa tarpaulin at mga printed photos ng guests ang idinikit doon gamit ang makukulay ma masking tape.
“Let’s go?” aya ni Lee.
Nasa likuran niya ito. Kasama nito ang isang staff ng hotel na sa palagay niya ay maghahatid sa kanila sa silid nila.
For whatever crazy reason ay ginagap ni Lee ang kamay niya habang naglalakad sila tungo sa elevator. Saka pa lang siya nito pinakawalan nang makapasok na sila sa malaking silid na naka-reserve para sa kanila.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 2: My Deceitful Heart COMPLETE
ChickLit"There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love." 1 John 4:18 __________ Saan ba hahanapin ang One True Love? May formula kayang dapat gamiti...