"Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things." - 1 Corinthians 13:7
_________-
“LEE, YAKAPIN mo ako,” bulong ni Cherry kay Lee.
Nasa kama na silang dalawa at nakahiga. Mukhang tinutupad nga nito ang hiling niya na gusto niya itong makatabi sa kama. Kaso nakatalikod naman ito sa kanya. Pakiramdam niya ay nagmo-moment lang siyang mag-isa.
Kanina pa sila nakahiga. Naiinis na nga siya rito. Mukhang napadami ata ang ininom nitong wine kaya ayun, ang bilis nitong nakatulog. Samantalang siya ay ninanamnam pa ang moment na katabi niya ito.
Ito na sana ang moment niya para mabuko niya ito. Kanina kasi nahalata niyang nailang ito sa kanya nang inalok siya nito ng wine. He tried so hard to hide it pero hindi ito magaling magtago ng feelings kaya nahalata niya iyon. At sigurado siyang ang pagtatabi nila sa kama ang dahilan kung bakit ito naiilang. Kaso tinulugan lang siya nito.
Paano naman niya ito mapapaamin kung ganitong tulog na ito? Posible kayang mapanaginipan siya nito? Kaso hindi siya sigurado kung kasama nga ba siya sa panaginip nito. For all she knew, ibang babae ang napapanaginipan nito. Someone sexy and pretty. Hindi tulad niya. Pretty naman daw siya kaso chubby siya.
Panis.
“Lee, yakapin mo naman ako sabi,” pangungulit niya rito.
Nilalamig na kasi siya. Malamig pa rin pala ang pasko niya kahit pa may katabi siya sa kama. Dahil tulog si Lee.
Umungol si Lee. Halatang naistorbo ito sa tulog nito. “Ano ba naman, Cherry. Matulog ka na nga,” inaantok nitong sabi.
“Eh, nilalamig ako eh,” maktol niya.
She even pouted. Kaso hindi naman nito nakikita ang pag-pout niya dahil nakatalikod nga ito sa kanya.
“Sa taba mong ‘yan, nilalamig ka pa?” pilosopong sagot nito.
Naiinis na hinampas niya ang likod nito. Napa-“Aray” naman ito. Kaso ayaw niya itong tantanan.
“Ang sakit mong magsalita ha? Humanda ka kapag pumayat ako ‘hu u’ ka sa ‘ken," pabiro niyang sabi kahit pa kumirot ang puso niya sa sinabi nito.
“Cherry naman eh. Natutulog na ako kaso ang kulit mo,” reklamo nito.
“Bakit ba kasi ayaw mong yumakap sa ’ken? Noong mga bata pa tayo, nagyayakapan naman tayo kapag natutulog ah!” katwiran niya.
“Baka nga kasi madaganan mo ako eh. Concerned lang naman ako sa safety ko,” sagot nito.
Tiningnan niya ng masama ang likod nito. Ouch ha? Sobrang ouch na talaga. Ganoon ba talaga ang tingin nito sa kanya? Ano’ng akala nito sa kanya, pison?
She blinked back her tears. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naiiyak. Hindi naman na bago iyon sa kanya. In fact, mas marami pang mga school mates nila ang nanlalait sa kanya. Mas creative pa nga ang panlalait ng mga ito. Kaso nasasaktan siya dahil sa lahat ng taong mang-aalipusta sa kanya ay si Lee pa na bestfriend niya.
Oo nga pala. Napilitan lang pala itong maging bestfriend niya dahil sa pamimilit ng mga magulang nila. Kaya siguro napakadali lang para dito na laitin siya. Kaya siguro hindi big deal dito kung masaktan man siya sa mga sinasabi nito.
Kahit pa sinabi nito na gusto siya nitong maging totoong kaibigan ay hindi pa rin maikakaila na friend for a cause lang ang papel niya sa buhay nito. Para lang gumanda ang image nito. Siya naman itong si tanga na pumayag agad just so she could be with him. Kaya hayan ang napala niya. Hindi pa nga niya sinisimulan ang Operation: Make Him Fall moment niya ay epic fail na.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 2: My Deceitful Heart COMPLETE
ChickLit"There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love." 1 John 4:18 __________ Saan ba hahanapin ang One True Love? May formula kayang dapat gamiti...