"Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come!" 2 Corinthians 5:17
_______
“HIMALA at nandito ka. Dapat na ba akong magpa-fiesta?” pabirong tanong kay Lee ni Cherry.
Naroon sila ngayon sa South Hills Christian Community Church para sa New Year Service kasama ang kanilang mga magulang. Mula nang nagkolehiyo sila ay noon lang uli niya nakasabay sa simbahan si Lee. Magkatabi sila sa upuan kasama ang ilang youth ng simbahan. Habang nasa kabilang aisle naman ang mga magulang nila kasama ang mga kaedad din ng mga ito.
“Para good vibes sa buong taon,” sagot nito.
“Dapat kasi nagsisimba ka kada linggo para hindi lang good vibes ang masasagap mo, pati na rin blessings buong taon.”
“Hayaan mo, mula ngayon lagi na tayong magkakasabay kada Linggo,” anito.
“Weh? Baka ngayon lang ‘yan kasi New Year’s service. Baka next time, magdadahilan ka na naman,” pangaral niya. Nangyari na kasi iyon dati. Ilang beses na niya itong inaya na sumama sa service pero lagi itong may excuses kung bakit hindi ito pwede. Hanggang sa nagsawa na lang siya at hinayaan na lang ito.
Ngumiti ito. “Hindi na. Inspired na kasi ako ngayon eh.”
“Naku, pati ba naman dito sa simbahan maghahasik ka pa ng lagim? Kanino ka naman daw inspired?” tanong niya.
Iginala niya ang tingin sa lahat ng youth sa simbahan nila. Madami ring magaganda sa mga ito. At talented pa. Mayroong marunong magsayaw, kumanta, may mga members ng music team at mga volunteer teachers for kids. Sino kaya sa mga ito ang bagong inspirasyon ni Lee?
“Inspired ako kay God. I found a new life in Christ eh kaya Siya na ang laman ng puso ko,” sagot nito. With matching kindat pa sa kanya.
Literal na napanganga siya at bumaling dito. Seryoso kaya ito o ginu-good time na naman siya? Tamaan sana ito ng kidlat kapag nagsinungaling ito sa loob mismo ng tahanan ng Diyos.
"O, bakit mukhang hindi ka naniniwala?" tanong nito.
Napakurap-kurap siya sabay tikom ng bibig. "H-ha? H-hindi naman sa ganon. Nagulat lang ako. Pero...totoo ba talaga? You have a new life in Christ? Weh."
Tumawa ito ng mahina. "Kitam? Sabi ko naman sa'yo there are a lot of things you don't know about me but you will soon find out. This is one of them. I now have a new heart."
"O-okay," sabi na lang niya.
Speechless kasi siya sa revelation nito. Hindi niya alam kung may double meaning ba ang sinabi nito na may new heart na ito. New heart for Christ ba ang ibig nitong sabihin or new heart for someone else?
Could it be me?
Agad niyang pinagalitan ang sarili dahil sa kanyang tanong. Siya yata ang tatamaan ng kidlat dahil sa halip na naka-focus kay God ang isip niya ay ang pinapangarap niyang lovelife ang laman ng kanyang utak.
Kasi naman, hindi naman niya maririnig araw-araw na may new life in Christ na ang bestfriend niya. Today is a special day and worth celebrating. Dapat siguro ipagluto niya ito ng cake o cookies o kahit na anong paborito nitong pagkain. Ang saya kaya non? Meaning hanggang sa everlasting life ay magkakasama sila ni Lee. Hindi na talaga sila maghihiwalay pa. Kaya masayang-masaya siya ngayon. Parang nasagot ang dasal niya hinggil sa Salvation nito.
Tama nga ang sabi ng mama niya. Our only purpose is to make God known to all mankind. To plant the seed of faith into the hearts of every person we meet. God will make a way for them to grow and mature in His perfect time.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 2: My Deceitful Heart COMPLETE
ChickLit"There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love." 1 John 4:18 __________ Saan ba hahanapin ang One True Love? May formula kayang dapat gamiti...