"I have found the One my soul Loves."Song of Solomon 3:4
___________
“HAPPY New Year Panget!”
Masiglang bati ni Cherry kay Lee nang gabing iyon. Naroon siya ngayon sa balkonahe ng kanyang silid. Nakita niya kasing nakaupo ito sa balkonahe ng silid nito at nakatanaw sa malayo na tila ba may malalim na iniisip. Kaya naisipan niyang bulabugin ang pagmumuni-muni nito. Lumingon naman ito sa kanya at ngumiti nang makita siya.
“Happy New Year, Chubby ko! Did you rest well?” tanong nito.
“Oo. Natulog ako buong araw. Ang sarap sa pakiramdam!” sagot niya.
Mas masarap ang pakiramdam ko dahil ikaw ang una kong nakita pagkagising ko, lihim niyang sambit.
Kaninang madaling araw lang sila dumating mula sa escapade nila sa Baguio. Hanggang ngayon ay tila lumulutang pa rin siya sa ulap. Ang daming nangyari sa Baguio. Ang dami nilang magagandang memories ni Lee.
She took a deep breath and smiled at the heavens. What happened at Baguio was something she wanted to experience over and over again. Good vibes ang bagong taon para sa kanya. Konti na lang mapapasakanya na si Lee. Konting push pa. Konting akit pa. Akit pa more!
Siguro if she would a wear sexy lingerie in front of Lee ay bibigay na talaga ito. He might finally confess his feelings for her. Na hindi na bestfriend ang tingin nito sa kanya kundi isang babaeng minamahal na nito. Hmn. Ano pa kaya ang dapat niyang gawin para lang mapaamin ito?
Should she strike a sexy pose and start strip dancing? Nah. Masyadong cheap kung gagawin niya iyon. Walang ipinagkaiba sa mga babaeng nagpapapansin dito. She has to do something different. Paano kung i-blackmail na lang kaya niya ito at palabasin niya sa Daddy nito na may nangyari sa kanila? For sure pipilitin ito ng Daddy nito na pakasalan siya. But that might only make him hate her in the end. She could only imagine the horror on his face on their wedding night. Siguro tatakbo ito palabas ng bahay.
“Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Mukha kang may masamang binabalak ah,” pukaw ni Lee. Agad siyang nagmulat at tumingin dito. “Saka bakit ganyan ang hitsura mo? Mukha kang natatae,” dugtong pa nito.
Niyuko niya ang kanyang sarili. Ooops. Hindi niya namalayang literal na ginawa niya pala ang sexy pose na naisip niya kanina. Ang buong akala niya ay imagination lang niya iyon. Kaso, Lee didn’t find her pose sexy. He even thought she was constipated.
Grr. Kainis.
Kung ibulgar kaya niya dito na alam niyang hinalikan siya nito? Ano kaya ang sasabihin nito? Hmp! Kunware pa ito sa panlalait nito sa kanya. May hidden desire naman ito. The fact that he stole her first kiss was enough proof that he did feel something for her. Something more special than being her best friend.
Hay. Ang hirap maging mataba at magkagusto sa isang campus heartthrob. Mas mahirap ding paaminin ang isang campus heartthrob na inlababo ito sa isang mataba na tulad niya. Hindi naman big deal sa kanya ang size niya. Kaso, baka big deal iyon para kay Lee kaya hindi nito maamin-amin na may pagnanasa ito sa kanya. And that’s where her problem would be.
“Wala naman. Iniisip ko lang kung ano ang meaning ng binigay mong Christmas gift sa akin,” nakangiting sagot niya.
Tulad nga ng usapan nila noon, nag-exchange gift silang dalawa last Christmas morning. Hindi naging hadlang ang trangkaso niya para hindi matuloy ang tradisyon nilang iyon. Isang wedding planner book ang ibinigay nito. The minute she saw the book, her heart did multiple backflips. Hindi nga siya agad nakakibo nang mabuksan niya ang regalo nito.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 2: My Deceitful Heart COMPLETE
ChickLit"There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love." 1 John 4:18 __________ Saan ba hahanapin ang One True Love? May formula kayang dapat gamiti...