Chapter 01

2.5K 63 1
                                    

C H A P T E R   0 1

Jaira's POV

"Mommy, Mommy umaga na po. Wake up na!"


Napamulat ako sa batang lalaki na gumigising sa akin. Agad akong napangiti ng matitigan ko ang napakaganda nitong mga mata. Hinaplos ko ang pisngi nito.



"Good morning mommy." Bati nito sa akin na may malawak na ngiti sa kanyang labi.



Napangiti ako. "Morning baby boy." Natawa ako ng gumusot ang mukha nito.


"Mommy di na ako baby kaya stop calling me baby boy. Tsk."



Kahit ang way ng pagkunot ng noo niya ay katulad ng sa ama niya. Nasan na kaya ang lalaking yun?



Naiiling na umupo ako sa kama at binuhat ang 6 taong gulang kong anak. Pinaupo ko siya sa hita ko.



"Hindi ka ba magtatanong kung nasaan ang daddy mo?" Tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya.



He look at me. "Nope."



"May I know why?" tanong ko dito.



"Kasi kung love ka ni daddy dapat nandito siya at inaalagaan tayo. Also, dapat hinahanap ka niya." Mahabang usal ng anak ko.



Naiiyak na hinalikan ko siya sa noo at niyakap. "But always remember this baby na mahal na mahal ka ni mommy okay?"


Tumango naman ito at niyakap ako. "I love you mommy."


I smiled.



Kasalukuyan na kami ngayong nasa loob ng kotse ko at ihahatid ko sa school niya si Dawn Raileigh.



Nasa grade 4 na si Raileigh sa taon na 6 kasi ang sabi ng mga teachers niya masyadong accelerated at mataas ang IQ ng anak ko kaya naman napabilis ang pag-aaral nito.



"Mommy, bye na po see you later." anito at hinalikan na ako sa labi.



Ng makalayo na ito ay binuhay ko na ang makina ng kotse ko pero agad akong napatigil ng—



"Dawniel Reiji?!"



Shit?! Anong ginagawa niya dito?!




Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko at walang lingon na ginawa.



Paano kung— No hindi sila pwedeng magkita.



Hindi pwede. Ayoko.

A Night with Him Where stories live. Discover now