Chapter 09

1.6K 42 1
                                    


C H A P T E R   0 9

Jaira's POV

Nandito ako ngayon sa kusina at naghahanda ng merienda nina kuya at Raileigh na nasa sala at naghaharutan.

Hindi pa rin ako mapakali hanggang ngayon. Tumigil na kaya siya?

Hanggang ngayon ba ay hinahanap niya pa rin ako?

Isang taon matapos kong maipanganak si Raileigh sa Paris. Naka-receive ako ng message sa isa sa mga kaibigan ko na hinahanap daw ako ni Reiji. Paano ko nalaman ang name niya? Simple lang dahil isa lang namang sikat na business man ang lalaking iyon at famous talaga siya sa mga men's magazine.

Dahil sa taranta ko nagpalipat-lipat kami ng bansa ng anak ko. Hanggang sa natigil kami dito sa Pilipinas.

"Malalim yang iniisip mo ah?" Nilingon ko si kuya Jaico. Nginitian ko lang siya.

"Alam mo Honey? Bilib na rin ako sa anak mong yan. Paano niya nalaman na hindi naman talaga ako ang daddy niya? E hindi pa nga kami nagkikita nang batang yan. Saka sino yung lalaki na tinutukoy niya?"

**

"Ako?" Turo ni kuya sa sarili niya. "Ako ang daddy mo."

Napalingon ako sa pinto ng lumabas sina Reiji at yung pesteng linta na si Jeya. 

"Liar." Pinaningkitan ni Raileigh ng mata si kuya Jaico.

"Me? A liar? No way. Sa pogi kong 'to? Tatawagin mo akong sinungaling?"

"Kalalabas lang kaya ng daddy ko. Bakit mo sinasabing ikaw ang daddy ko? Di ba liar ang tawag don mommy?"

Napasinghap ako. Paano niya nalaman? Alam ba 'to ni Reiji? Hindi kung alam niya edi sana tatawa lang yun at sasabihing di iyon totoo. Pero paano?

"Tama ba ako mommy?"

I look at my son's grayish eyes. Wala akong makitang kahit anong emosyon sa mga mata nito.

Para akong nahipnotismo ang napatango na lang sa kanya.

**

"W-Wala lang yun." Ani ko kay kuya.

Nilabas ko na sa ref ang ginawa kong pasta para sa merienda nila.

"Liar. Alam kong totoo yung sinabi nung anak mo kanina."

Tumigil ako sa ginagawa ko. Humarap ako sa kanya. Doon na bumuhos ang mga luha ko.

"Hey, bakit ka umiiyak?" Agad lumapit sa akin si kuya at niyakap ako. Hinagod niya ang likod ko.

"K-Kuya natatakot ako paano kung malaman niya? Kukunin niya sakin si Raileigh? Ayoko kuya, ayokong mawalay sa akin si Raileigh hindi ko kakayanin. Ayoko."

"Shhh! Hindi niya magagawa yun, okay? Nandito kami ni Jander poprotektahan ka namin saka si Rairai."

Tumango ako at pinunasan na ang luha ko. "Salamat kuya."

"No worries."

"Sino si Rairai?" Tanong ni Raileigh na kakapasok pa lang ng kusina.

"You!" Natatawang sabi ni kuya na mukhang inaasar na naman niya si Raileigh.

"Tsk. Jaigly." Anito. Napailing na lang ako sa way ng pagsasalita niya.

"Jaigly?" Ani ko.

"Jaico and ugly equals Jaigly."

Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang tumakbo ang anak ko. Ayun pala at hahabulin na siya ni kuya Jaico.

Napailing na lang ako.

Jeya's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

Umirap na lang ako. At pabagsak na naupo sa sofa.

"Mukhang naayon ang lahat sa plano mo ah?" Tanong ko dito bago nagsalin ng wine sa baso.

"Basta gawin mo ang pinagagawa ko sayo. At ako na ang bahala sa iba."

Umismid ako. "Nagawa mo na bang patahimikin yung isa?"

"Bukas na bukas din nasa headline na yun ng balita hintayin mo lang."

Ngumisi ito ng parang isang demonyo. Kahit ako ay nagtaasan ang mga buhok ko sa katawan.

"Kakaiba ka."

A Night with Him Where stories live. Discover now