C H A P T E R 0 4Reiji's POV
I sighed. Ang boring naman kausap ng babaeng ito. Nakakainis kasi, bakit ba nauso pa ang business marriage, lintik lang.
"As I was saying, ang ganda ko talaga nung party right?"
Pasimple akong napairap. Tsk.
Tumingin ako sa paligid. Natigil ang tingin ko sa batang lalaki na nakatingin din sa akin. Nangunot ang noo ko. Bakit parang pamilyar ang mukha ng batang 'to?
Tumayo ito sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Pero mas nagulat ako sa ginawa niya.
"Ano ba? May mata ka ba? Gosh! Ang dumi ko na?!" Maarteng sigaw ni Jeya.
Nagmamadali itong tumayo at pumuntang wash room ata. Napangisi ako sa bata. Tinapunan lang naman niya si Jeya ng tubig. Tsk, pilyo. Parang ako lang nung bata ako.
Tinitigan ako nung bata. Wait? Gray eyes? Same kami. Ang gwapo ng batang 'to sino kaya ang mommy niya?
"Are you my dad?"
Napatigil ako. "What?"
"Don't you hear me? I said are you my daddy?"
Napangisi ako. "Nope."
Tumango ito. "Okay."
Yun lang ang sinabi niya bago siya tumalikod sa akin. Napailing na lang ako. Nag-ring ang phone ko kaya naman tumayo ako at lumabas para sagutin.
"Yes?"
[ May nakuha na akong information bro ]
"Okay, on the way."
Nagmamadaling pumunta ako sa kotse ko at pinaharurot na iyon sa villa ng kaibigan ko.
Ng makapasok ako sa loob ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa kasama ang iba naming kaibigan.
"Nasan ang info?"
"Here." Ihinarap niya sa akin ang laptop niya.
Agad na nangunot ang noo ko. Japan, Korea, Thailand, Peru, UK, US, China, at marami pang bansa ang nakalagay.
"Katulad nga ng nakikita mo dyan, palipat lipat ng bansa si Jaira sa loob ng pitong taon. Bukod sa mga lugar na napuntahan niya wala na din akong nahanap pang iba. May humaharang sa akin para makakuha pa ako ng ibang info pero bro look at this."
May pinindot pa siya sa at nagpop ang pic ng isang babaeng kilalang kilala ko at isang bata na naka-cap at shades. Anak niya?
Parang may tumusok sa puso ko ng masabi ko ang bagay na yun. Hindi pwede.
"Who's this?" Tanong ko kay Jared.
"We don't know. Ginawa na namin ang lahat but then someone is blocking us to dig for more info."
Shit?!
"Wala na ba?"
"Oo yan lang ang nakuha namin but don't worry kami na ang bahala." Ani Yuan.
Tumango ako sa kanila. Kinuha ko ang phone ko at may dinial na number.
[ Yes hijo? Napatawag ka? ]
"May I ask for Mr. Jonas?"
[ Okay. Wait for a moment hijo kausap niya ang anak kong panganay anak. ]
Ilang saglit pa ay narinig ko na ang boses ni Mr. Jonas.
[ Hijo, ano't napatawag ka? ]
"Mr. Jonas, may ibang info na po ba kayo kay Jaira?"
Narinig kong bumuntong-hininga ito. [I'm sorry hijo. Ang kuya niya ang nakakaalam kung nasaan talaga ang prinsesa namin. Sa katunayan ay kausap ko lang kanina si Jander at sinabi niyang wala pang balak na magpakita si Jaira. ]
Napayukom ang kamao ko. "May info pong nakuha ang mga kaibigan kong investigator at nakita kong may kasamang bata si Jaira. Anak ba niya yun?"
Natahimik ang kabilang linya. [ Anak? Wala namang sinasabi si Jander tungkol sa bata. Bakit hijo? ]
"I'm sorry Tito. Pero hindi ko na po kayang maghintay ako na po ang gagawa ng paraan para mahanap at makuha ko ang anak niyo. Bye."
Agad kong binaba ang tawag at humarap kina Jared.
"Charles, kaya mo namang sirain yung mga humaharang sa inyo right?"
Nakita kong ngumisi ito. "Ako pa ba?"
Tumango ako. Just wait Jaira tapos na ang pagtatago mo. Hindi ko na kayang maghintay pa ng isang taon.

YOU ARE READING
A Night with Him
RomanceFirst story ko po ito. So expect wrong grammar and lame scenes. This story contained some matured content. So read at your own risk.