Chapter 08

1.6K 40 1
                                    

C H A P T E R   0 8


Jaira's POV

"R-Reiji."

Anong ginagawa niya dito? Nasundan niya ba ako?

"Jaira, sino yang lalaki na yan?" Tanong ni Reiji sa akin.

Hindi ako sumagot. Napayuko ako. Anong gagawin ko?

"Sino ka ba?" Napatingin ako kay kuya Jaico ng sagutin niya si Reiji.

"Ako ang— hindi na importante iyon ang tanong ko ang sagutin mo."

Tiningnan ako ni Reiji. Shit!

"Ako lang naman ang—" Tumingin sa akin si kuya Jaico. "Boyfriend ni Jaira." Aniya bago tumingin kay Reiji.

"Ano?!"

Reiji's POV

Napayukom ang kamao ko. Tangina gusto ko ng suntukin ang lalaking ito. Kung makayakap kay Jaira ay parang ahas. Nakakainis.

"Boyfriend?" Napaiwas ng tingin sa akin si Jaira.

Siya din kaya ang ama ng batang nakita ko sa picture? Fuck.

"Totoo ba yun Jaira?" Tanong ko sa kanya.

Sasagot na sana ito ng may yumakap sa akin mula sa likuran. "Nandito ka lang pala kung saan saan na kita hinanap."

"Jeya? Anong ginagawa mo dito?" Naiinis na tanong ko sa kanya bago ko ialis ang mga kamay niya.

"Why? Nandito ang fiancé ko so dapat nandito din ako." Ani Jeya.

"Ano yan tuko?" Narinig kong bulong nung lalaki na nakayakap pa din kay Jaira.

"Excuse me? May sinasabi ka ba?" Maarteng tanong ni Jeya.

Nagkibit-balikat lang ang lalaki. Sinamaan ko ng tingin ang mga kamay niyang nakahawak sa bewang ni Jaira. Gusto kong hablutin si Jaira at ako ang yumakap sa kanya. Pero—

"Umalis na kayo." Narinig kong sabi ni Jaira.

"Talaga! Aalis kami— "

"Mauna ka na Jeya."

"Pero— "

"Mauna ka na." Tiim bagang kong utos sa kanya.

"Fine. Hindi na din muna ako aalis."

Napapikit na lang ako.

Jaira's POV

Hanggang ngayon ay di pa rin umaalis sina Reiji at yung linta niyang fiancé kuno na si Jeya. Punyetang babae yan hanggang dito ba naman?

Nakakainis na. Ang sakit sa mata ng linta na yan.

Nilapit ni kuya Jaico ang bibig niya sa tenga ko. "Honey, na-miss na talaga kita. Gusto kong mag-bonding tayo ang kaso may mga asungot na dumating."

Nginitian ko ng konti si kuya Jaico. Sanay na ako sa pagiging clingy ni kuya sa katunayan pareho sila ni kuya Jander mas malala nga lang siya.

"Umalis na kayo. My girlfriend needs to rest." Ani kuya.

Bakit ba nandito pa rin sila?

"Mommy?"

Nabato ako sa kinatatayuan ko at hinarap si Raileigh na nasa pintuan ng coffee shop.

"Mommy anong nangyayari?" Tanong ng anak ko ng makalapit siya sa akin.

"Ikaw?" Agad akong napatingin kay Reiji ng magsalita ito. No way! Kilala niya ba si Raileigh.

"Ikaw ba ang mommy ng batang yan Jaira?" Nauutal na tanong ni Reiji.

"Mommy sino siya?" Tanong ni Raileigh habang nakatingala kay kuya Jaico.

"Ako?" Turo ni kuya sa sarili niya. "Ako ang daddy mo."

Maya-maya pa ay narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto ng coffee shop.

Umalis na siya.

A Night with Him Where stories live. Discover now