C H A P T E R 1 1Jaira's POV
Mahigpit ang pagkakapit ko sa kamay ng anak ko habang nakatayo kami dito sa labas ng mansyon na minsang tinirhan ko na din.
"Mommy, are you nervous?" Tanong ni Raileigh sa akin.
Umiling ako sa anak ko kahit totoo naman iyon.
"It's okay mommy, I know naman na love na love tayo nina papi at mami." Aniya na nagpangiti sa akin.
Tumango ako sa kanya at hinila na niya ako papasok sa loob. Tumingin ako sa paligid. Wala pa rin palang pagbabago at ganun pa din ang ayos ng buong mansyon. From antiques to furnitures. Napangiti ako. How I miss this scene.
"My princess?!"
Nilingon ko ang tinig ng akong mommy at naiyak na lang ako ng sunggaban niya ako ng yakap at ganun din ang ginawa ko sa kanya.
"Miss na miss na kita anak ko!" Ani mommy at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Lalo lang tuloy akong napaiyak.
"I'm sorry mommy. I'm sorry. Sorry. " Ani ko.
Humiwalay si mommy sa akin at pinunasan ang luha ko. Umiling siya sa akin. "No. Don't apologize, natanggap na namin ng daddy mo, okay? Kami ang dapat na humingi ng tawad sayo. Sorry hija."
Umiling ako. "No. Don't mommy. Please."
Niyakap ako ni mommy at pinatahan. "Mommy loves you okay? Always remember na kahit anong kasalanan pa yan ay mapapatawad ka namin."
Napahagulgol ako at mas ipinagsiksikan pa ang mukha ko sa balikat niya at doon ako umiyak. How I regret leaving this house.
"Papi!"
Humiwalay ako kay mommy ng marinig kong sumigaw si Raileigh ng papi. Nilingon ko si daddy na tahimik na nakatingin sa akin. Napayuko na lang ako.
"D-Daddy Im s-sorry po talag— "
Nanlalaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni daddy sa akin. Hindi ko ini-expect ito what I expect is makakatanggap ako ng mura at sampal mula sa kanya but then I was wrong.
"Daddy." And then napahagulgol na ako.
"Pangit mo umiyak princess. Stop crying na baka maging witch ka na."
Pareho kaming natawa. How I miss that. Tuwing naiyak ao nung bata pa ako ay yun ang paraan ni daddy para patahanin ako.
"Hindi witch si mommy isa siyang goddess."
Lahat kami ay nilingon ang anak kong nakayakap na sa tagiliran ko ngayon. Yinuko ito ni daddy. "I know Rai I know." Natatawang ginulo ni daddy ang buhok ni Raileigh.
"Hey don't mess with my hair."
Nakita kong natigilan si daddy. "Daddy?" Tawag ko dito.
"A—Ah may naalala lang ako."
Tumango lang ako at binuhat na si Raileigh patungong sala. Ng makarating kami doon ay pinakain na ng mga maid ang anak ko.
Akala ko ay itatanong nila mom at dad kung sino ang tatay ni Raileigh pero iba ang naging topic namin.
Bakit parang may hindi tama?
"Princess nalaman na namin ang nangyari sa coffee shop mo kaya naman mas mabuti kung doon muna kayo mag-stay sa isa sa mga resthouse natin. Also," kinuha ni daddy yung remote at binuksan niya ang tv. Napansinghap na lang ako sa nakita ko. "Rain died at natatakot kami na baka may mangyari sayo."
No way?! Si Rain?!

YOU ARE READING
A Night with Him
RomanceFirst story ko po ito. So expect wrong grammar and lame scenes. This story contained some matured content. So read at your own risk.