Chapter 03

1.9K 57 3
                                    


C H A P T E R    0 3

Jaira's POV

What?! Anong fiancé?!



"Anong fiancé?"



Sumubo ito ng cake. "Yung fiancé na hindi mo sinipot?"



Nangunot ang noo ko. "I don't remember anything."


Umiling ito. "Bilib na rin ako sa lalaking yun. Biruin mo naghintay siya ng 7 years? Kung ako naghanap na lang ako ng iba."



Napasinghap ako. "Kilala mo ba kuya?"



Umakto itong nag-iisip. "Hindi e. Ang lagi niya kasing nakakausap ay si dad. Saka sa phone lang din sila nag-uusap."



"Hindi mo pa ba siya nakikita kuya Jander?"



Umiling ito. "Hindi pa. Kahit nga boses ay di ko alam."



Napatango-tango na lang ako. Nagpaalam ako kay kuya na mag-be-bake lang ako ng cake sa kitchen. Pero di pa man ako nakakaalis ay tumunog yung phone ko.



"Yes hello?"




Napatango ako at nag-goodbye na agad sa teacher ni Raileigh.



"Kuya Jander, dadating si Raileigh maya-maya may emergency daw ang teacher nila kaya papauwiin na lang sila. Pakibantay muna sa anak ko ah?"




Tumango lang ito kaya naman pumasok na ako sa kitchen.



Jander's POV




Kumakain na ako ng cake ko ng may customer na pumasok. Isang lalaki na naka-shades pa.



Bakit parang pamilyar ang lalaking 'to? O baka naghahallucinate lang ako?



Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.



Susubo na sana ulit ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses.



"Naghintay ka ba ng matagal? Sorry ah? Medyo na traffic ako."



Agad akong humarap sa babaeng nagsalita at



"Jeya?" Halos pabulong kong tanong sa sarili ko ng makilala ko ang babae.



Anong ginagawa niya dito? Siguradong gulo ang mangyayari kapag nagkita sila ni Jai.



Shit!



Tumalikod na ako. Tatayo na sana ko sa inuupuan ko ng marinig ko ang boses ng pamangkin ko.



"Uncle Jander!"




Humarap ako sa batang lumalapit sa akin. Agad na napunta sa pamangkin ko ang atensyon ng ibang customer.



'Ang gwapo naman ng batang yan!'



'Ang cute ng mata. Kulay gray ba yun?'


'Oo nga ano?'



Ng makalapit sa akin si Raileigh ay agad niya akong niyakap.


"Kamusta? Miss mo na ba si Uncle?"



"Opo, nasaan po si mommy?"



"Nasa loob nagbe-bake ng cake."
Tumango-tango ito.



"Uncle, gusto ko po ng iced coffee. Saka po ng vanilla cake." Utos nito sa akin. Napangiti na lang ako. Sino kaya ang ama nito at talaga namang kuhang-kuha nito ang ugali. Hindi naman ganyan ang ugali ni Jai.



"Okay po, masusunod po mahal na prinsipe."



Natawa ako ng kumunot ang noo niya. Napailing na lang ako.



Abala ako sa paggawa ng kakainin ng pamangkin ko ng makarinig ako ng matinis na sigaw. Agad akong humarap doon.



"Ano ba? May mata ka ba? Gosh! Ang dumi ko na?!" Ani Jeya.



Nilingon ko ang pamangkin ko na walang emosyong tinititigan ang lalaking kaharap ni Jeya. Kumunot ang noo ko.



Nanggigigil na tumalikod si Jeya at pumuntang wash room.



Nagtitigan ang pamangkin ko at yung lalaki. Pero mas napatigil ako ng marinig ko ang tanong ng pamangkin ko.




"Are you my dad?"

A Night with Him Where stories live. Discover now