Chapter 19

1.2K 33 1
                                    


C H A P T E R 1 9

Reiji POV

Nasuntok ko na lang ang pader habang nakapikit na pinapakinggan ang mga kapatid ni Jaira.

Si Jaira ay kanina pa umiiyak. Hindi ko na alam ang uunahin ko. Ang anak ko ba o ang asawa ko.

" Sa ngayon ay kailangan niyong kumalma. Walang patutunguhan ang pagpapanic at galit ninyo. " Ani daddy ni Jaira.

" But dad! Si Raileigh ang nandoon at baka umiiyak na ang batang- "

Naputol ang iba pang sasabihin ni Jaico ng magsalita si Jaira na kanina pa tahimik.

" Hindi umiiyak ang anak ko. Alam ko matapang ang anak ko at kakalma siya sa mga ganitong sitwasyon. "

Kahit ako ay napatigil. Sana nga ay ganun ang ginagawa ng anak ko.

" Shoot! "

Lahat kami ay nabaling ang atensyon kay Jared. Agad niyang hinarap ang laptop niya sa aming lahat.

" Eto ang exact location. Isang abandonang mansyon sa isang tagong village. Walang katao-tao doon kaya sobrang dilim doon. At may nalaman din kami sa taong kumidnap sa inaanak namin. "

Kumunot ang noo ko.

---

Raileigh POV

" Are you scared? " Tanong niya sa akin.

Nanatili akong tahimik. Tinitigan ko lang siya hanggang sa siya na ang umiwas ng tingin sa akin. Tsk.

" Why aren't you even scared? Tak ka ba? O baka naman nagtatapang-tapangan ka lang? "

Ngumisi ako at nakitang napaatras siya. Bakit ako matatakot?

Hindi niya ako tinali at pinaupo niya lang ako dito sa gitna ng kama.

" Tell me, ano ang reason mo para gawin 'tong lahat kay mommy? Huh, kuya Matthew? "

Tumawa ito ng parang baliw. Tiningnan ko lang siya at hinintay na magsalita.

" Why? Psh. " Sumandal ito sa pader na nakaharap sa akin. " Dapat talaga hindi kayo madadamay pero naging karelasyon niya si Rain Delgado, ang taong pumatay sa pinakamamahal ko na si Sam. Nung araw na namatay si Sam ay pinangako ko na sa sarili ko na ipaghihiganti ko siya sa mga taong gumawa non sa kanya. "

" Bakit dinamay mo pa si Erxi? "

Gulat siyang tumingin sa akin. " Si Erxi? Bakit hindi? Anak yun ng hayup na Rain na yun. "

" Pero anak pa rin siya nung babaeng sinasabi mong mahal mo? "

Pagak siyang tumawa. " Yeah right. But I still don't like that kid. Ginamit ko lang naman siya para mapalapit sa mga taong nakarelasyon ng hayup na Delgado. "

Kaya pala. Now I know.

" At sa ngayon ang mommy mo na lang ang huli at tapos na ang paghihiganti ko. Salamat na rin sa tulong ni Jeya. Siguro ngayon ay pinagpipyesyatahan na ang katawan niya sa prisinto. "

Humarap siya sa akin at ngumisi. " Kung tatakas ka. Huwag mo ng subukan dahil wala ka ng ibang mapupuntahan. "

Ako naman ang napangisi. " Bakit ko naman po gagawin yun? Mabait akong bata hindi ako masama katulad niyo. "

Agad na nagdilim ang mukha nito at akmang susugudin ako ng makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril.

" Shit?! "

Nandito na sina dad at mga uncles. Im safe now.

--

A/N: Don't talk unless you wanna-

A Night with Him Where stories live. Discover now