Chapter 07

1.7K 46 1
                                    


C H A P T E R    0 7


Jaira's POV

Parang tumigil ang oras at kaming dalawa lang ang tanging hindi nakatigil sa mga oras na iyon.

Nakatingin siya sa akin may halo-halong emosyon na makikita mo sa mata nito. Pero mas nangingibabaw doon ang pagkasabik at saya.

"J-Jaira?"

Akmang lalapit ito ng tawagin ako ni Matthew.

"Tara na?" Nakangiti nitong bati sa akin. Tiningnan niya si Reiji.

"Kilala mo siya?" Tanong sa akin ni Matthew.

Nagkatitigan kami ni Reiji bago ako umiling. "N-Nope. Let's go?"

Tumalikod na ako sa kanya. Tinawag pa niya ang pangalan ko pero di ko na siya nilingon.

Ng makarating kami sa coffee shop ay doon nagtanong sa akin si Matthew.

"Ma'am pasensya na kanina ah? Doon sa ginawa ko kanina mukhang nabastos ko ata yung pag-uusap niyo."

Nginitian ko siya. "Nah. Hayaan mo na yun. Ayos lang mabuti nga at dumating ka."

Ngumiti siya at nagsimula ng magtrabaho. Bumuntong-hininga ako. Ano ng gagawin ko ngayon? Paano na kung malaman niya na may anak— Hindi, hindi niya pwedeng malaman paano na lang kung kunin niya sakin si Raileigh? Hindi pwede.

Napatigil ako sa pagkausap sa sarili ko ng may naglagay ng isang tasa ng kape sa harap ko.

"Magkape po muna kayo." Ani Matthew.

Kinuha ko iyon at ininom. "Salamat Matthew."

Tumango lang ito. Inabala ko ang sarili ko sa pagbe-bake hanggang sa hindi ko namalayan na hapon na pala. Malapit na ang uwian ni Raileigh. Hanggang ngayon ay di pa rin ako mapakali.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si kuya Jander.

[ Oh? Napatawa— ]

"Nakita na ako Reiji. Sa school ni Raileigh."

[ What?! Nakita ba niya si Raileigh? ]

"No. Nakapasok na si Raileigh."

[ Sino ba kasi yang Reiji na yan? Sa dami ng Reiji dito sa pinas baka mamaya ay kilala ko pala yan. ]

Bumuntong-hininga ako. "Kuya anong gagawin ko? Paano kung malaman niya yung tungkol sa anak namin?"

[ Ano bang masama kung malaman niya? Anak niya din yun Jai. ]

Napatigil ako. "Pero— "

[ Kahit anong gawin mo Jai kahit itago mo si Raileigh o magtago ka man sa kahit anong isla mahahanap at mahahanap ka ng Reiji na yan. ]

Natahimik ako sa naging sagot ni kuya. Pero natatakot pa rin talaga ako.

"P-Paano kung kuhanin niya sa akin si Raileigh?" Agad na nangilid ang luha ko.

[ Hindi ko hahayaang mangyari yun Jai. Nandito lang ako para protektahan ang kaisa-isang prinsesa ng mga Cortez. ]

Napangiti ako. "Salamat kuya."

[ Don't worry about that again okay? Nandito lang kami ni Jaico. ]

"Si kuya Jaico?"

[ Nga pala nakabalik na si Jaico ang sabi niya nga e pupuntahan ka daw niya. ]

"Honey!"

[ Oh? Mukhang nandyan na ata. ] Natatawang ani ni kuya bago ako humarap sa lalaking nasa pintuan.

May malaki itong ngiti sa labi niya. "Na-miss mo ba ako?"

Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap ito. "Sobra kuya."

"Miss ko na din ang nag-iisa kong prinsesa."

Tiningala ko siya. Napapikit ako ng hinalikan niya ako sa noo.

"Jaira?"

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa lalaking nagtatagis ang bagang na nakaharap sa amin. Pabulong kong natawag ang pangalan niya.

"R-Reiji."

A Night with Him Where stories live. Discover now