Chapter 05

1.7K 53 1
                                    


C H A P T E R    0 5

Jaira's POV

Nagde-design ako ng cake ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Nilingon ko ang batang may pinakamagandang mata para sa akin.



"Namiss mo na ang mommy?"



Tumango ito at nag-pout pa.



"Bakit? May problema ba ang baby boy ko?" Tanong ko sa kanya matapos kong umupo kung saan magkapantay kami.



Tinitigan ako nito. Akmang magsasalita ito pero agad din namang umiling. Napakunot naman ang noo ko.



"Tell me. Ano ba yun?"



Ngumiti lang siya sa akin. "Gusto ko pa po sana ng isa pang cake."



Napabuga ako ng hangin saka ginulo ang buhok niya. "Alam kong hindi yan ang problema mo pero okay lang kung ayaw mong sabihin pero always remember na nandito lang si mommy okay?"



Tumango ito saka niyakap na naman ako. Hinagod ko lang ang likod niya saka hinalikan ito sa noo.



"Ask Kuya Matthew na ikuha ka ng another cake na gusto mo, go na."



Nakangiti itong lumabas. Kasabay ng paglabas niya ang pagpasok ni kuya Jander.



"Oh? Anong nangyari sayo?" Tanong ni kuya.



"Si Raileigh kasi mukhang may gustong sabihin kanina ang kaso parang ayaw din naman niyang sabihin sa kin."



Napatango-tango si kuya saka lumapit sa akin.

"Tumawag si daddy sa akin."



Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya.



"Jai, you really need to go home."



Bumuntong-hininga ako at inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"What?"

"Give me your phone." Sabi ko sa kanya. Nakakunot noong ibinigay niya iyon sa akin.



"Ano bang gagawin mo?"



Hinahanap ko ang number ni mom sa phone ni kuya bago ko dinial.

[ Yes my baby boy? ]



Natawa ako hanggang ngayon pa rin pala at yun pa rin ang tawag ni mommy.




"It's me Jaira, mom."




Ilang minuto bago may sumagot hanggang sa narinig ko na lang ang mga hikbi ni mommy sa kabilang linya.



[ M-My princess? Ikaw ba talaga yan? ]



Nangilid ang luha ko. "Y-Yes mommy. Miss me? "




[ Of course, my dear. Kasama mo ba ang kuya mo? ]




"Yes and he's here sa tapat ko. Nakasimangot kasi baby boy pa din ang tawag mo. " Ani ko habang natatawa.



Bumuntong-hininga si mommy. [ Kamusta ka naman dyan? Ayos naman ba ang buhay mo? Malusog ka naman ba? Tell mommy kung anong kailangan mo okay? ]



Natawa ako habang nangingilid ang luha ko. "I'm okay mommy. Healthy naman po ako. Di ako pinababayaan ni kuya Jander."




[ Mabuti naman hija. T-Totoo ba na— na may anak ka na? ]



Napatigil ako. Tiningnan ko si kuya Jander ni-loud speaker ko ang phone.

"P-Pakiulit nga mommy." Kinakabahan ako paano nila nalaman?



[ May apo na ba ako sayo my princess? ]

Agad na umiling si kuya sa akin.

'No! Hindi ako ang nagsabi' ani kuya gamit lang ang bibig pero walang boses.



"It's true."




Narinig kong suminghap si mommy maya maya pa ay nagtitili na ito. [ Jonas! Jonas! May apo na tayo! Oh my god! Anong pangalan niya princess? ]



Napailing na lang ako. "Dawn Raileigh po mommy and he is 6 years old."





Maya maya pa ay narinig ko na ang ma-awtoridad na boses ni daddy sa kabilang linya.




[ Sino ang ama ng apo ko Jaira? ]

A Night with Him Where stories live. Discover now