Chapter 10

1.5K 36 2
                                    


C H A P T E R 1 0

3rd Person POV

Nanlalaki ang mga mata ni Jaira ng pagkabukas niya ng coffe shop niya ay halos hindi na niya makilala ang itsura nito.

Basag ang mga upuan at lamesa. Nagkalat sa sahig ang mga gamit at puro vandal ang sahig at dingding.

"A-Anong nangyari?!"

Nanghihinang binasa niya ang nasa dingding.

'Bitch!'

'Whore!'

"Sinong may gawa nito?!"

Napatingin siya kay Matteo ng may inabot itong sulat. "Ma'am nakita ko po yan sa lamesa."

Tumango siya dito at agad na binuksan ang sulat.

'Be ready for your up coming death day. You'll gonna pay for all of this.'

Nabitawan ko ang sulat na hawak ko at napaiyak na lang ako. Shit?! Ano ba ito?

"Ma'am? Panyo po." Agad ko iyong kinuha sa kamay ni Matthew.

"S-Salamat."

Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pag-aayos. Tinawagan ko sina kuya at sinabi ang nangyari. Maya maya pa ay dumating silang dalawa.

"Fuck?!" Bungad ni kuya Jaico.

Napaiyak ako lalo. Inalo ako ni kuya Jander habang si kuya Jaico ay binabasa ang sulat.

"Kailangan mo munang lumayo Jaira."

"P-Pero paano- "

"Jaira mas importante ang kaligtasan mo sa ngayon. Kami na ang bahala. Mag-i-imbestiga kami ni Jaico."

Nilingon ko ang dalawa kong crew bago ako humarap kila kuya. "P-Paano sila Matthew? Wala silang ibang trabaho saka si Matthew may anak siyang babae."

Bumuntong-hininga si kuya Jaico. "Fine. Kayong dalawa, ayos lang ba sa inyo na babayaran namin kayo ng advance na 3 months para naman kahit papaano ay may magagamit kayo."

Tumango naman agad ang dalawa. "Ayos na po iyon Sir. P-Pero magbubukas pa po ba ang coffee shop?" Tanong ni Matteo.

"Yan ang hindi pa namin alam sa ngayon ay isasara muna namin ito pansamantala." Ani kuya Jander.

Tumango naman ang dalawa at ipinagpatuloy na ang pag-aayos.

"K-Kuya g-gusto ko ng makausap sina mommy. Eto na siguro yung time." Ani ko na nagpatahimik sa kanilang dalawa. Nangunot naman ang noo ko. "May problema ba?"

Si kuya Jaico ang unang nagsalita. "Yung fiancé mo kasi- "

"Jaico!" Sigaw ni kuya Jander na nakagulat sa akin.

"Bakit?!"

Nagtitigan sila na parang nag-uusap sila gamit lang ang mga mata. Maya-maya pa ay bumuntong-hininga si kuya Jaico.

"Fine." Anito saka naglakad palabas.

Tiningnan ko si kuya Jander. "Anong meron kuya?"

Hinalikan niya ang noo ko bago ako niyakap. "Sa ngayon wag muna iyon ang intindihin mo. You need to hide for now, yun ang mas importante."

Someone's POV

Tahimik akong napangisi habang pinagmamasdan ang makapatid. Hide? Let's see kung makapagtago pa kayo.

"Be ready. Ikaw na ang susunod."

A Night with Him Where stories live. Discover now