Chapter 16

1.4K 35 1
                                    


C H A P T E R 1 6


Jander POV

" Fuck?! " Mura ni Jaico ng makakita kami ng mga bangkay ng babae.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Hayup! Sino ang may gawa nito?

" Shit! Wala awa ang gumawa nito. Tang ina! " Mura na naman ng kapatid ko.

Agad na napukaw ng pansin ko ang isang batang babae na walang emosyong nakatingin sa mga bangkay. May hawak itong kutsilyo na puro dugo.

Akmang lalapitan ko ang batang babae ng pigilan ako ni Jaico.

" Don't! Paano kung bigla ka na lang niyang sugudin? "

Sinamaan ko siya ng tingin. " She is just 5-6 years old Jaico! "

" But— "

Hindi ko na pinakinggang ang iba pa niyang sasabihin at nilapitan ko na ang bata. Pero di ko pa man siya nalalapitan ay agad niyang itinutok sa akin ang kutsilyong hawak niya.

" W-Wag kang lalapit! "

Natahimik ako.

" W-Wala akong ginawa! H-Hindi ako ang pumatay sa kanila! "

Tumingin ako sa mga bangkay. Nilingon ko ang bata at ngayon ay umiiyak ito pero walang emosyon ang mga mata niya sa bawat pagpatak ng luha niya.

" Its okay. Calm yourself first. Okay? Wala kang ginawa, naniniwala ako sayo. I promise. " Mahinahong sabi ko dito habang lumalapit sa kanya.

Tumigil ito sa pag-iyak at maya maya pa ay kusa na niyang binitawan ang kutsilyo. Nilayo ko iyon sa kanya at agad kong binuhat ang bata.

Ng mailabas ko ito sa bahay na iyon ay doon ko lang nakita ng mukha ng bata. Maputi ito at may kagandahang taglay. Pinunasan ko ang mukha niya.

" Anong pangalan mo? "

" E-Ersamantha "

Tumango-tango ako at tinap ang pisngi niya.

" Jander, natawagan ko na ang mga pulis. On the way na sila. "

Tumango ako kay Jaico. " Jaico, pakibantayan muna itong bata. "

Tumayo na ako at may idinial na number. Kailangan kong makasigurado kung anak nga siya ng babaeng yun.

Someone POV

Napangisi ako. Akala ba nila ganun lang kadali yun?

Kaunting panahon pa at maipaghihiganti na rin kita. Mahal ko. Kaunting panahon pa pangako yan.

Jaira POV

Magkasalikop ang kamay namin ni Reiji habang buhat-buhat niya si Raileigh na kumakain ng ice cream.

Nandito kami ngayon sa perya kung saan pinagdadausan ang fiesta ng isla. Masaya kaming nakikisabay sa mga taong nagsasayawan at nagkakasiya.

" Daddy, Mommy look oh? "

Napatingin kami ni Reiji sa tinuturo ni Raileigh. Napangisi ako at tiningnan ko si Reiji.

" You want that baby boy? " Tanong ko sa anak ko.

" Yes po. Daddy! I want that big moose! Ang laki niya oh? "

Napangisi ako sa kanya ng ibaba niya si Raileigh at lumapit sa doon sa lalaking may ari ng palaruan. Nakita kong nagbayad na ito sa tindero. Binigyan siya nito ng tatlong bola.

Kailangan niyang mapatumba ang tore ng mga paper cups para makuha niya ang big moose na stuff toy.

Natawa ako ng sa dalawang bato niya ay sala. Narinig kong bumulong ang anak ko.

" Ay weak naman ni Daddy. "

Lumapit ito sa daddy niya at kinuha ang last na bolang hawak niya at— Woah?!

" Oh hijo! Anong gusto mong makuha? "

" Iyun pong big na moose "

Great!

A Night with Him Where stories live. Discover now