Week of Celestials
Ang ingay. Sobrang ingay talaga. Super duper ingay ang sarap tumakbo pauwi.
"Hey Lezi!" Nakakunot ang noong tumingin saakin si Fynx."...what'swith that look? Are you gonna kill someone?" Inirapan kona lang siya.
"Shhh! She have a period!" Pagsaway ni Mace.
Para namang baliw na tatawa tawa si Riley sa dulo.
Bumuntong hininga nalang ako at kinuha ang cellphone at earphone ko sa bag ko.
Pumunta ako sa spotify at hinanap sa playlist ko ang gusto kong kanta.
Tumingin ako sa harapan at nakita ang dami ng studyante na nakaupo.
Nandito lahat ngayon ng estudyante sa main court ng Celestial University. Kaya nakakainis ang ingay lalo na ang Fourth year Sculptor which is Engineering, yeah all of them simula sa Mechanical, Chemical, Civil, Electrical, Management, and Geotechnical.
Para sa limang grupo ang nakahandang mga kumpol ng upuan, ang pinaka una ay ang mga nag aaral ng medicine mula first year hanggang fourth year, Andromeda ang tawag saaming mga nag aaral ng medicine. Katabi namin ay ang mga kumuha ng Law mula first year to fourthyear den, tinatawag naman silang Milky way, katabi namang nila ang mga kumuha ng Bussiness, mula first to fourth year den, tinatawag naman silang Triangulum, katabi namn nila ang mga bubuyog sa pagkalaki laking main court nato, ang mga engineering, oo lahat ng branch maingay, tinatawag naman silang Sculptor, stars naman ang pangalan ng bawat branch nila, ganon din sa medicine, kaming mga Andromeda ay nabibilang sa Cassiopeia yun ang tawag sa mga mag aaral ng Pre-med.
Ang katabi nalang ng Sculptor ang wala, yun ang kinabibilangan ni Kya Zelek, ang tagong course.
Wierd talaga ng school namin.
"Sige na punta nako sa mga Triangulum" paalam ni Fynx.
Nakipagdaldalan lang siguro kay Mace to, ang ingay pa din ng mga Sculptor bakit naman kasi ang tagal ng mga Pinwheel.
Ilang sandali pa may mga pumason nang estudyante, halos walang tunig ang bawat hakbang nila napakatahimik ang seryoso.
Unti unti ding napawi ang ingay ng mga bubuyog, ayan ngayon kayo mag ingay. Nakakatakot naman kasi anv aura ng mga Pinwheel parang biruin molang mananapak na.
Nakita ko si Kuya Zelek na diretso lang ang tingin papunta sa dulo kung saan nandoon ang nakahandang upuan para sakanila, sobrang laki talaga ng main court at nagkasya kaming lahat dito. Kasunod naman ni kuya ay si Ranger.
Agad akong nabuhayan ang ngumiti ng napakalawak.
"Kuya Zelek!"
Tumayo ako ang tumakbo papunta kay kuya, pero unti unti ding napawi ang sigla ko ng mapansing halos lahat ng nasa court ay nakayingin saakin, bakit nga ba kasi ako sumigaw? Nahihiya naman akong tumungo at unti unting lumapit kay kuya.
"Ayan sigaw pa" pang aasar ni kuya.
"Hey, baka umiyak yan" pang iinis naman ni Ranger. Inirapan kona lang siya at tumingin kay kuya.
"Kuya, did you buy me?" Masiglang sabi ko sakanya.
"Ofcourse, baka kasi umiyak ka, you know i hate it when i see tears in your green eyes" pagkasabi non ay ibinigay niya saakin ang isang frapee na binili noya sa España.
BINABASA MO ANG
The Difference Of Our Misery
RandomHer name is Leora Zilla Ruiz the light bringer of her family and friends, she already has everything and she never ask for anything or more because for her, the life she has is enough-not until she met her bestfriend's cousin. And that was the beggi...