Chapter 5

7 0 0
                                    

Number

"It's okay, sabihin mona lang saakin kapag payag kana" ani Atlas.

Hindi pa din talaga mag sink in sa utak ko kung anong sinabi niya, sa sobrang gulat ko hindi na ako nakapagsalita at halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Sakanya ko lang naramdaman ang ganito, sakanya lang, madami na akong lalaking nakakasalamuha at nakakausap pero hindi ko naman nararamdaman lahat ng ito.

That's why i find him different from other boys that I've met.

Hindi kopa din inaalis ang mga mata ko sa napaka perpekto niyang muka, ang kanyang abelyana at asul na mga mata na mas lalong dumagdag sa napaka misteryoso niyang pagkatao.

"See you around, Leora"

Ilang segundo pa siguro bago ako tuluyang makabawi, hindi ko siya maintindihan?

Naglakad nalang ako papunta sa room namin, nakita kong wala pa ang susunod naming prof nang makaupo ako ay agad lumapit ang dalawa kong chismosang kaibigan.

"Ano?"

"Ano"

Halos sabay na sabi ni Riley at Mace, nagkatinginan silang dalawa at sabay sinabing.

"Chismosa"

"Chismosa"

Napailing nalang ako sa kabaliwan ng dalawang to, pareho naman silang chismosa yung isa nandon sa Triangulum naligaw, baka nakikipag chismisan den.

"Stop it you two, pareho naman kayong chismosa"

"Ano sinabi ng pinsan ko?"

Napatingin ako kay Riley na nag iintay din ng sasabihin ko, hindi ko pwedeng sabihin sa harap niya ang pinag usapan namin ni Atlas.

For sure she will be sad, she really love dancing and the three of us always support her like how she support us. Sa aming lahat siya ang pinaka supportive, kahit kalandian ni Mace sinusuportahan niya, sa pamamagitan ng pagsali namin sa Dance competion gusto naming makabawi man lang.

"Wala" sabi ko nalang sa kanilang dalawa.

Mag wawala na sana ang dalawa nang maunahan sila ng kaklase kong sumigaw.

"GUYS! MS. SANTOS IS COMING!" Sigaw ni Cypher. Ang pinaka matinong kausap sa buong section na ito.

Napatingin naman kami sa labas at papunta nanga si Ms Santos sa room namin!

Bumalik agad ang dalawa sa upuan nila at kunwaring nagbabasa, ang iba ko namang kaklase ay kunwaring nagsusulat yung mga nasa likod naman na nagtatawanan ay walang makitang libro kaya hindi alam ang gagawin kaya nagbilamg nalang sa daliri na parang nag sosolve sa math. Mga baliw talaga.

"Good morning, Cassiopeia"

We stood up and greet her.

"Good morning Ms"

"Pasensya na medyo natagalan, may napag usapan kami sa conference room ng mga teacher, hindi namin binanggit ang pagkakaroon ng Mr. and Ms. Celestial. Hindi namin ito isinali dahil gusto naming magkaroon ng survey kung gusto niyong magkaroon ng ganong paligsahan, you can vote at the bulletinboard in the center court."

The Difference Of Our MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon