Chapter 2

39 3 2
                                    

Chapter 2

"Ang sabi nila, lahat ng nakatira dyan ay mga lalaki at gwapo kaya nga tinatawag sila Adonis. Amirah, may gusto ka bang doon sa mga nakatira sa bahay na yan?" Nilapitan niya ako habang hawak niya ang magkabilang pisngi.

"Wala. Curious lang ako. Ngayon ko lang kasi napansin ang bahay na yan. Akala ko walang nakatira" Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya.

"Wala ka naman kasing pakealam sa paligid mo" Umupo siya sa harap ko "Alam mo ang tawag sa bahay na yan ay House of Adonis. Maganda ang labas ng bahay parang mansyon, mga gwapo pa ang mga nakatira. Swerte tayo at kapitbahay natin ang mga gwapo"

Umiling ako nang makitang gumulong gulong siya sa kama ko. House of Adonis? Dalawa pa lang ang nakita kong nakatira sa bahay na yan at masasabi kong gwapo sila. Lalo na ang Sullivan na yun.

"Ibubugaw sana kita sa kanila pero nahihiya ako e" Napakurap ako sa sinabi niya. Marunong siyang mahiya? "Sabihin mo nga sa akin kung sino ang gusto mo dyan"

"Wala nga. Labas ka na" Tinuro ko sa kanya ang pinto ng kwarto ko kaya naman ay sumimangot siya. Walang gana siyang tumayo at lumabas habang bumubulong na 'Ibubugaw kita sa lalaki sa kanto mamaya'

Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa sketch pad ko na tanging laman lang ay ang lalaking may kulay berdeng mata. May kakaiba kasi sa mga mata niya na hindi ko maintindihan. Uminom ako ng kape na dinala ni Millie kanina at tinago ang sketch pad ko. Ilang araw simula nang iligtas niya ako ay hindi ko na ulit siya nakita. Hindi ko din naman siya gustong makita. Gulo lang ang dala ng mga katulad ni Sullivan.

Lumabas ako at hinanap si Millie. Isasama ko siya para bumili ng bagong sketch pad. Nadatnan ko na may sinusulat sa sala kaya sinilip ko yun. Pinigilan ko ang sarili kong sapakin siya ng makitang ang listahan ng mga lalaking alam kong ipapakilala niya sa akin. May mga date pa ito kung kaylan niya ipapakilala. Kung hindi ko lang talaga siya pinsan ay baka matagal ko na siyang sinapak.

"Samahan mo ko, Millie" Nanigas siya ng bigla akong magsalita. Inayos ko ang buhok ko ng makitang dali dali niyang tinago ang sinusulat niya.

"Bakit ka ba nandyan? Wala kang nakita ha!" Nilagay niya sa bag ang maliit na notebook na tinago niya "Saan ka ba pupunta?"

"Bibili ng bagong sketch pad"

"Kakabili mo lang ha. Ano bang ginuguhit mo?" Sinuot niya ang sapatos niya habang tinatanong ako. Hindi ko siya sinagot at naunang lumabas ng bahay.

Wala naman talaga akong plano na ang iguhit ay si Sullivan. Bigla nalang kasi siyang pumapasok sa isip ko kapag nagdradrawing ako. Pati na ang magaspang niyang ugali ay pumasok din sa isip ko. And his eucalyptus scent. Piste siya.

"Ilibre mo ako ha" Tanging sabi lang ni Millie ng maabot niya ako. Sumakay kami ng jeep papunta sa mall. Mas marami kasing pamimilian sa mall na mas mura na sketch pad tsaka gusto ding gumala ni Millie.

"Iihi lang ako, Amirah ha. Wag mo kong iwan. Hintayin mo ko dito" Tumango ako sa kanya atsaka siya tumakbo palayo sa akin. Pinagpatuloy ko ang pagtingin ng sketch pad ng may marinig akong boses na kilala ko sa likuran ko.

"Amirah" Bumuntong hininga ako at tinignan si Victor na may kasamang dalawang lalaki. Kaibigan siya Gustavo at dahil parehas silang maitim ang pakpak ay alam ko kung anong gusto niya.

"Hi" Walang gana kong sabi.

"Sayang at hindi namin kasama si Gustavo. Siguradong matutuwa siya kapag nakita ka" Tumango lang ako ng makita ang demonyong ngisi niya.

"Umalis na kayo"

"Hindi ibig sabihin na may gusto si Gustavo sayo ay mag-aangas ka na" Umatras ako ng sipain niya ang mga notebook. Tinignan niya ako ng masama atsaka galit na lumapit sa akin. Kinakabahan ako dahil alam kong sasaktan nila ako, may nakatingin man o wala. At hindi ako marunong lumaban. Dapat talaga nag-aral ako ng judo.

Mason Finn Sullivan (House Of Adonis Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon