Chapter 11
"Hindi ha" Inilayo ko ang mukha ko pero hindi niya yun pinakawalan "Sullivan, bitawan mo ang mukha ko!"
"Hmm?"
"Bitawan mo sabi!" Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na inilayo yun sa mukha ko. Ngumuso ako nang hindi ko magawang tanggalin ang mga kamay niya sa mukha ko.
"Kantahan mo ko mamaya, ha? Pero wag mo na akong painomin ng pangbata"
"Hindi naman yun pangbata. Para sa lahat ang gatas" Sinamaan ko siya ng tingin nang bigla niyang pisilin ang magkabilang pisngi ko "Masakit!"
"Wag kang pacute. Hindi ka cute" Binitawan niya ang mukha ko kaya naman ay napahawak ako dun "Bilis na! Gusto kong libutin ang farm ninyo"
Tumakbo ako para masabayan siya. Ang bilis niya naman kasing maglakad. Linibot namin ang buong farm at pumitas ng mga prutas. Tinuruan ko siya kung paano malaman kung pwede na bang pitasin yun. Basta basta na lang kasi siyang pipitas, hindi man lang niya tinitignan yun.
"Pagod na ako" Pinanood ko siya habang hinuhugasan ang grapes na nakuha namin. Nasa kubo na kami ngayon. Humarap siya sa akin at inilapit ang isang grapes sa bibig ko. Kinain ko ang sinubo niyang grapes sa akin.
"Malaki pala tong farm ninyo" Umupo siya sa tabi ko at kumain din ng grapes. Sinubuan niya ulit ako. Ang saya saya ko dahil nandito siya sa tabi ko.
"Hmm. Pinamana to ni Lola kay Papa. Si Papa lang kasi ang nag-iisang anak nila kaya napunta sa kanya lahat ng to"
"Sabi mo kanina pinalayas ka ni Mama noon? Bakit?" Hindi ko maiwasang pagtaasan siya ng kilay. Mama talaga ha?
"Umuwi kasi akong magulo ang damit at buhok. Wala akong oras para mag-ayos nun. Nang makita ako ni mama, pinalayas niya agad ako"
"Your Mother is nice" Napa-irap ako sa sinabi niya.
"Because she is nice to you. Sa akin nga lang siya hindi mabait" Ngumuso ako "Pero kahit na ganun si Mama, palagi niya akong pinagmamalaki sa mga tao. Mayabang kasi si Mama"
"Gusto ko ang mga magulang mo. Kahit hindi nila kami kilala, inasikaso nila kami"
"Gustong gusto kasi nilang magkaroon ng anak na lalaki. Kahit na hindi pa sila kinasal pangarap na nilang magkaroon ng mini version ni Papa. Hindi na kasi pwedeng magbuntis si Mama"
"Hinilinging mo ba na sana naging lalaki ka?" Umiling ako sa kanya at ngumiti.
"Hindi naman. Hindi ko naman kasalanan na naging babae ako. Kaylangan nilang tanggapin yun, sa ayaw at gusto nila. Tsaka, anak nila ako. Nanggaling ako sa kanila" Kumuha ako ng grapes at kinain yun "Kahit na gusto nila ng lalaki, tanggap naman nila ako at mahal nila ako"
"Hmm"
"Sullivan, galit ka ba sa akin?"
"Bakit?"
"Feel na feel mo kasi yung pagtulak sa akin nung pumunta sila Gustavo sa bahay. Muntik na akong matumba dahil sa ginawa mo! Walang puso!" Pabiro ko siya tinuro kaya napa-iling nalang siya at mahinang tumawa.
"Sa akin na lang yun" Sinubuan niya ulit ako.
"No! I need an explanation, Sullivan. Ilang araw mo kong hindi pinansin. Alam mo bang palagi akong sinisisi ni Millie dahil hindi na pumupunta ang manok niya sa bahay-" Napatigil ako sa pagsasalita at napalunok. Sinabi ko bang manok?
"Manok na pala ako ngayon? Last time i checked, I'm a hot and handsome badboy" Mayabang nitong sabi kaya inirapan ko siya.
"Wag mong lihisin ang usapan!"
BINABASA MO ANG
Mason Finn Sullivan (House Of Adonis Series #1)
Teen FictionHe's Mason Finn Sullivan, the notorious bad boy from the House of Adonis.