Chapter 3
Kahit na natatakot ako na baka magkasalubong kami ni Sullivan sa daan ay umalis parin ako sa bahay para pumunta sa eskwelahan. Alangan naman hindi ako pumasok dahil kay Sullivan. Malalagot naman ako sa mga magulang ko. At kung gusto naman talaga akong saktan ni Sullivan pwede naman siyang pumunta sa bahay katulad ng ginawa niya kahapon.
Naisip ko din na may kasalanan din ako. Baka may nasabi akong hindi niya nagustuhan kaya ginawa niya yun.
Papatawarin ko na si Sullivan sa ginawa niya sa akin kaya sana mapatawad na din niya ako kapag magkasalubong kami. Kahit hindi na niya ako pansinin, okay lang talaga sa akin.
"May pinagtataguan ka ba?" Ngumiti ako sa kanya "Sila Gustavo no?"
"Hindi Shawn. Level up na. Mas nakakatakot pa kina Gustavo" Sumimangot ako at umupo.
"Ikaw talaga. Habulin ka talaga ng gulo" Mukhang hindi niya sineryoso ang sinabi ko. Mabuti pa si Shawn, walang problema.
"Y-Yung Sullivan, sa tingin mo nananakit talaga siya ng babae? Nang bugbogin niya sila Gustavo, nakakatakot kasi"
"Yun ang sabi ng mga tao. Ang sabi nila may dalawa daw siyang babae na sinaktan. Yung isa pa nga nasa hospital pa habang yung isa ay umalis ng Pilipinas pagkatapos siyang saktan ni Finn. Kaya mag-ingat ka Amirah. Kaya nga niyang bugbogin sila Gustavo e" Nahirapan akong lumunik ang kinakain ko na binigay niya sa akin bago ako umupo dahil sa sinabi niya. Mahohospital din ba ako?
Ano bang nangyari sa kanya para maging basagulero? Kahit na tinakot niya ako ay nagtataka parin ako kung anong pinagdaanan niya para maging ganito siya. Palaging sinasabi ng papa ko na maging mabait ako sa mga taong nasa paligid ko kahit na gumawa sila ng masama sa akin dahil hindi ko alam ang pinagdadaanan nila. Yun ang palaging nasa isip ko pero hindi naman mali ang matakot, diba? Normal lang sa taong matakot.
"Amirah!" Tumakbo si Millie papunta sa amin. Hinawakan niya ang mga tuhod niya habang malalim parin ang paghinga niya. May mga pawis siya at mukhang tumakbo pa siya papunta dito. Tumaas ang kilay niya ng makita ang kasama ko at tinuro ito "Boring ex-crush"
"Stop me calling me that" Inis na sabi ni Shawn na inirapan lang ng pinsan ko.
"Ano bang problema?" Tanong ko kay Millie. Hindi naman yan tatakbo para lang sa wala.
"Nakita ko si Finn. Ang sabi nila dito daw mag-aaral si Finn" Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng sabihin yun ni Millie.
Hindi parin mawala sa akin ang sinabi ni Millie kaninang umaga. Paano kung magkasalubong kami ni Sullivan? Anong gagawin ko? Sigurado akong tatakbo ako palayo sa kanya.
Naiisip ko na magkakasulubong kaming dalawa sa daan tapos tatakbo ako sa kabilang direksyon para hindi kami magkasalubong tapos nandoon pala si Gustavo.
Kapag nangyari yun, ang malas malas ko talaga. Dalawa na ang mangbubully sa akin. Sana sila na lang yung mag-away. Wag na nila akong isali. Okay lang naman ako sa tabi e.
Pumasok ako sa loob ng classroom nang harangan ako ng kaklase namin at biglang inilahad ang kamay niya "May babayaran tayo sa-"
"Teka lang! Kakarating ko lang!" Umalma ako. Nakakagulat kasi ang biglang pagsulpot niya at ang paniningil niya sa akin.
"Sige. Bente pesos, Amirah ha?" Tinignan ko siya ng masama.
"Bakit bente? Para saan ba yan?"
"Yung photocopies daw na ibibigay ni Ma'am Nisha mamaya" Wala akong nagawa kundi magbayad sa kanya. Ang rami rami namang babayarin ngayon. Mauubos na ang allowance ko tapos hindi pa ako nakabili ng sketch pad.
BINABASA MO ANG
Mason Finn Sullivan (House Of Adonis Series #1)
Roman pour AdolescentsHe's Mason Finn Sullivan, the notorious bad boy from the House of Adonis.