Chapter 8

29 3 0
                                    

Chapter 8

Napatigil ako nang makita ang mga lalaki sa harap ng House of Adonis na naghihilaan. Nakita ko si Zeus na inayos ang camerang dala niya na nakasabit sa leeg niya.

"Bilisan ninyo dyan at uulan na!" Sigaw niya.

"Zeus, ayaw ni Aries oh!" Sigaw ni Sean habang hinihila ang isang lalaking ngayon ko lang nakita. Tinulongan naman ni Luke si Sean para hilain ang lalaking si Aries.

"Hoy Aries kaya nga ginagawa natin to dahil nandito ka! Minsan ka na nga lang umuwi! Bilisan mo dyan at baka maabutan ng ulan ang mga sinasampay ko sa likod!" Inis na sigaw ni Zeus.

"Don't touch me! Marumi yang kamay mo!" Napakurap ako sa lalaking sumigaw kay Connor. Balot na balot siya mula ulo hanggang paa. Hindi nakinig sa kanya si Connor at pinilit na hinila siya.

"Hoy Rhys paano makikita ang mukha mo sa picture kung nakamask ka?! Kunin mo nga yan!" Sigaw ni Zeus.

"Pwede bang social distancing na lang ang pictorial nato, Zeus? Ayokong madikit sa kanila. The germs"

Napahilot si Zeus sa sentido niya dahil sa sinabi ni Rhys "Tigilan mo ko sa pagkaclean freak mo Rhys!"

"Zeus, siguradohin mong gwapo ako dyan ha? Isesend ko sa mga chicks ko" Nakaharap si Riley sa salamin habang sinusuklay ang buhok niya.

"Nasaan si Augustus?! Nasaan ang ating artistang kaibigan?! Wag mong sabihing magpapaspecial mention pa siya?!" Sigaw ni Lionel.

"Tumahimik ka nga!" Nagulat ako ng makita ko si Gus. Ibig sabihin ay nakatira din siya dito? Crush ko siya noon.

"Zeus, kaylangan ba talagang gawin to? Nakakapagod kasi" Sabi naman ng isang lalaking parang walang lakas na naglakad palapit kina Zeus.

"Hoy Cody wala kang ginawa buong araw kundi humiga. Masyado ka ng nagiging tamad. Bilisan mo ang paglakad dyan!" Sigaw na naman ni Zeus.

"Dapat Zeus ako ang pinakagwapo sa picture ha? Dahil ako naman talaga ang pinakagwapo dito" Mabilis na umalma ang lahat dahil sa sinabi ng lalaking yun na tinawag nilang Lewis.

"Ano nga ulit ang gagawin natin?" Tanong ng lalaking kakalabas.

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Zeus at mukhang nawawalan na siya ng pasensya sa kanila "Owen, palagi ka ba talagang makakalimutin?! Pumwesto ka na lang dyan!"

"Flynn, gusto ko ng adobo mamaya" Lumabas ang isang batang lalaki at nilapitan ang lalaking may asul na buhok.

"Ayusin mo ang damit mo Kian. Magpapapicture daw tayo" Tumango naman yung batang lalaki at inayos ang damit niya. Mukhang siya ang pinakabata sa kanila.

"Ridge! Zion! Bilisan ninyo dyan!" Sigaw naman ng lalaking nakapalmulsa.

"Teka lang naman Tandang Ryker!"

"Hindi makapaghintay tong tandang to"

"Sipain ko kayo dyang dalawa"

"Nasaan na si Keagan? Broken hearted na naman ba siya?!" Sigaw ng lalaki kanina na hindi ko alam kung si Ridge ba o si Zion. Napamura siya ng bigla siya batukan ng lalaking nasa likod niya.

"Tatahiin ko yang dila mo, Zion"

"Ha! Ako na nga ang perpekto dito sa bahay tapos tatahiin mo pa ang dila ko!" Hindi na lang siya pinansin ng Keagan na yun at naglakad papalapit sa ibang kasama niya.

"Zeus, si Snow White ayaw lumabas" Naninigas ako ng marinig ang pangalan na yun. Nakita ko si Chase na hinihila si Sullivan palabas.

"Tangina naman! Bakit ka pa kasi nagpakita Aries?! Ayokong magpapicture!" Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa itsura ni Sullivan. Para siyang bata na pinipilit ng magulang magpapicture kahit ayaw naman niya.

Mason Finn Sullivan (House Of Adonis Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon