Chapter 9

36 3 0
                                    

Just wanna say HI!

Chapter 9

"Amirah, anak!" Maarte akong sinalubong ni mama ng yakap. Kahit na mataas ang takong niya ay tumakbo parin siya "Kumusta ka na?"

"Ayos lang po ako, mama" Tinignan niya ang kabubuan ko at ngumiti.

"Ang ganda ganda talaga ng anak ko. Bagay na bagay sayo ang kulay ng buhok mo at hanggang balikat na buhok. Anak nga talaga kita" Mayabang niyang sabi.

"Mama naman. Makikipagyabangan ka na naman kina Diding mamaya e" Ngumuso ako at binitbit ang gamit ko. Tinulungan naman niya akong bitbitin yun.

"Ang gandang yan dapat ipagmayabang lalo na kung ang yayabangan mo e feeling maganda" Umiling na lang ako at hindi na nakipagtalo. Lumingon lingon siya sa paligid "Nasaan na ang kasama mo?"

"Ahh. Susunod na lang daw si Millie, mama. May kaylangan pa kasi siyang gawin sa school"

"Hindi si Millie ang hinahanap ko dahil alam kong susunod siya, tumawag siya sa akin kahapon. Ang boyfriend mo ang hinahanap ko. Nasaan na siya?" Seryoso nitong tanong.

"Mama naman. Ang mukha ko na lang ang ipagmayabang mo" Tinignan niya ako ng masama na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"Ibig sabihin wala kang boyfriend na kasama?"

"Mama, wala naman akong boyfriend!"

"Sinabi kong wag kang uuwi kapag wala kang boyfriend, diba?" Napalunok ako at nag-iwas ng tingin dahil sa tono ng pananalita ni mama.

"Mang, mahaba ang byahe ng anak natin. Pagod siya, pagpahingahin mo muna" Nakahinga ako ng malalim ng biglang dumating si papa at siya mismo ang nagbitbit ng gamit ko.

"Papa, galit ata si mama sa akin" Sumbong ko habang tinitignan si mama na naunang maglakad papunta sa sasakyan namin.

"Hayaan mo na. Lambingin mo lang, mawawala na ang galit nyan" Ngumuso ako at inayos ang buhok ko.

"Mayabang kasi ang pinakasalanan mo. Tignan mo naghihirap tuloy ang anak mo ngayon" Natawa lang si papa dahil sa sinabi ko. Hindi nagsalita si mama habang nasa byahe kami.

"Oh! Amirah, ikaw na ba yan?" Lumapit si Aling Cora sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Alam kong naghahanap to ng pangit sa akin kaya mabilis akong tumayo ng maayos at ngumiti sa kanya.

"Aling Cora, long time no see" Nakita ko ang anak niyang si Diding na lumapit sa amin kasama ang isang lalaki. Mukhang yun ang boyfriend niya.

"Amirah! Hindi kita nakilala. Ang laki ng pinagbago mo" Nakataas ang kilay habang nakapulupot sa boyfriend na para bang aagawin ko yun.

"Maganda naman talaga ako dati pa. Mukhang wala kang pinagbago, Diding" Narinig ko ang pang-asar na tawa ni mama. Hindi ko naman inaasar si Diding e. Nagsasabi lang talaga ako ng totoo.

"It's Denise"

"Mas komportable akong Diding ang itawag sayo" Kasi naman pa sosyal pa siya. May pa 'Denise Denise' pa siya eh Diding naman talaga siya.

"Ito pala ang boyfriend ko. Si Mark" Ngumiti ako sa boyfriend niya pero ngumisi ito. Ang yabang nito ha. Hindi naman gwapo.

"Alam naming wala kang boyfriend, Amirah. Sino ba namang papatol sayo? Maganda ka nga pero puro ka naman libro" Natatawang sabi ni Aling Cora. Bakit sa akin na naman ang isyu?

"Atleast ang anak ko maganda na, matalino pa. Hindi niya kaylangang maghanap ng lalaki dahil ang lalaki ang kusang naghahanap sa anak ko" Talaga lang mama, ha?

Mason Finn Sullivan (House Of Adonis Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon