Chapter 4
"Nakipag-away daw si Finn" Kumunot ang noo ko at tinignan ang kaklase ko ng umupo siya sa harap ko para sabihin yun.
"Bakit mo naman sinasabi yan sa akin?"
"Kasi mukhang close kayo ni Finn. Sinabi din ni Victor nung sa gym na niligtas ka ni Finn. Anong meron sa inyo?"
"Alis na ako. Nandito na kasi si Millie" Mabilis kong kinuha lahat ng gamit ko at lumabas ng room. Ayokong pag-usapan ang tungkol kina Sullivan, Gustavo o kahit si Victor. Lalong sumasakit ang ulo ko kapag iniisip sila.
"Anong problema mo? Lalim ng iniisip ha"
"Simula kasi ng pumunta si Sullivan sa room at kinausap ako palagi na akong tinatanong ng mga kaklase ko kung anong meron sa aming dalawa" Kumuha ng banana fries si Millie sa akin at kinain yun.
"Wag mo na lang pansinin. Alangan namang sabihin mo na pinagbantaan ka ni Finn"
"Ang malas ko talaga" Bulong ko.
"Sino ang gusto mo sa kanila, si Finn, si Gustavo o si Victor? Sabihin mo sa akin, lalakasan ko ang loob ko at ibubugaw kita sa kung sino man yan" Sumimangot ako dahil sa sinabi ni Millie.
"Itigil mo na nga ang pangbubugaw sa akin!"
"Nangako ako na hindi ako pwedeng magkaboyfriend hanggang sa hindi ka pa nagkakaboyfriend!" Pinadyak niya ang paa niya "Gusto ko ng magkaboyfriend eh!"
"Seryoso ako, Millie. Sasakalin kita gaya ng ginawa ko sayo noon" Seryosong sabi ko sa kanya saka iniwan siya.
Hindi ko pinansin ang mga tingin ng mga tao habang naglalakad. Nasanay na siguro ako simula nang pagtripan ako nila Gustavo. Nadagdagan nga lang sila ngayon dahil kay Sullivan.
"Amirah" Humakbang ako palayo sa tumawag sa pangalan ko "Gusto lang kitang maka-usap"
"Anong gusto mong pag-usapan natin?" Mahinahon kong tanong sa kanya.
"Anong meron sa inyo ni Finn? Kumakalat na may relasyon kayong dalawa. Totoo ba yun?" Hindi ko alam kung bakit nababasa ko sa mga mata niya ang sakit. Bakit naman siya masasaktan? Palagi nga niya akong pinapahiya sa harap ng maraming tao.
"Wala kaming relasyon"
"May gusto ka ba sa kanya?" Natigilan ako sa tanong ni Gustavo. Tinitigan ko siya para siguradohing tama ang narinig ko at kung seryoso ba siya sa tanong niya.
"Anong klaseng tanong yan?"
"Gusto kita, Amirah! Hindi ako papayag na mapunta ka lang sa kanya!" Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.
"Matagal ko ng sinabi sayo na hindi kita gusto, Gustavo. Kaibigan lang talaga ang turing ko sayo" Totoo ang sinabi ko sa kanya. Noong hindi pa ako nililigawan ni Gustavo ay gusto ko na siya bilang kaibigan at yun lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
"Pero hindi ko gusto ang kaibigan lang, Amirah"
"Sana respetohin mo ang desisyon ko" Tumawa siya ng sakrastiko.
"Nakukuha ko lahat ng gusto ko, Amirah"
"Pero hindi nakukuha lahat sa dahas" Tumahimik siya at huminga ng malalim. Magsasalita ulit ako ng may nagsalita sa likuran ko.
"Iiyak ka na, gago?" Pang-aasar na tanong ni Sullivan na hindi ko alam kung saan siya galing. Tinignan naman siya ng masama ni Gustavo.
"Umalis ka dito, Finn"
"Shet! Iiyak ka talaga para sa pangit na to?" Inambahan ni Gustavo ng suntok ni Sullivan pero mabilis itong lumayo habang tumatawa pa.
"Tangina mo!" Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Sullivan habang nang-iinis na tinignan si Gustavo.
BINABASA MO ANG
Mason Finn Sullivan (House Of Adonis Series #1)
Teen FictionHe's Mason Finn Sullivan, the notorious bad boy from the House of Adonis.