Chapter 6
Napasimangot ako nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko at nakita si Sullivan na nakahiga sa kama ko at naglalaro sa cellphone ko.
Mag-iisang linggo na simula nang gamutin ko ang mga sugat niya at nagulat na lang ako kinaumagahan nang bigla siyang sumulpot sa kwarto ko. At kung umarte siya ay parang sa kanya ang kwarto na to. Minsan nga pinapalayas niya ako dito kapag naiinis siya sa akin. Nagpapasalamat na lang ako na mabait na siya sa akin ngayon.
"Sullivan, hindi ka ba mag-aaral?"
"Bakit pa? Tatakutin ko lang ulit sila para makapasa ako. Easy" Mayabang nitong sabi kaya na pinaningkitan ko siya ng mata.
"Hindi nakakatawa" Tumalikod ako sa kanya at sinimulan ang pag-aaral. Kaylangan kong mag-aral dahil itatakwil ako ng mga magulang ko kapag bumagsak ako.
Pagkatapos ng exam namin ay kaylangan ko nang umuwi. Kaylangan ko din palang bumili ng make-up kung ayaw kong magalit si mama sa akin. Dadaanin ko na lang sa ganda sila Diding dahil wala akong boyfriend na madadala. Plano ko ding magpagupit at kulayan ang buhok ko. Ayoko talagang mapalayas ni mama sa bahay tulad ng dati.
Inayos ko ang mga libro ko nang matapos ako sa pag-aaral. Napatingin ako sa likod ko at napa-iling nang wala na si Sullivan. Iniwan na naman niya ang kama na magulo at mukhang sa balkonahe siya dumaan.
Nung nakita ko si Sullivan sa loob nang kwarto ko ay kinabahan ako. Noong una siyang pumasok sa kwarto ko ay pinagbantaan niya ako at takot na takot ako na baka tinopak na naman siya at magalit sa akin. Kahit kinakabahan ako ay pinilit ko siyang umalis dahil nasa kwarto siya ng babae pero hindi siya umalis.
'Kung gusto mo ikaw ang umalis' Yun lang ang sinabi niya.
Si Millie naman binibigyan pa ng pagkain ang mokong kaya gustong gusto magpabalik balik dito.
Nagulat ako ng makita si Gustavo at Victor paglabas ko sa kwarto ko. Nasa sala sila at kaharap ni Millie. May dala silang pagkain. Ngumiti si Gustavo sa akin habang pinaningkitan lang ako ng mata ni Victor.
"Anong ginagawa ninyo dito?" Nakakunot na tanong ko sa kanila. Tumayo si Millie at nilapitan ako.
"Manliligaw daw ang bully mo. Hindi ko lang alam kung si Gustavo lang ba. Mukhang kasing kasali din si Victor. Paano na ang manok ko?" Siniko ko si Millie para tumahimik siya.
"Amirah, may dala kaming pagkain" Nakangiting sabi ni Gustavo. Ganitong ganito din siya noong nanliligaw siya sa akin. Patay na naman ako nito kapag binasted ko. Nako naman!
"Nag-usap na tayo tungkol dito, diba?"
"Bigyan mo lang ako ng pagkakataon. If you don't really like me after this, I'll respect it" Pagsusumamo niyang sabi.
"Gustavo, ayokong paasahin ka"
"Ngayon lang to, Amirah. Kapag hindi mo talaga ako magugustuhan, lalayo ako at hindi na kita ulit guguluhin" Natigil ako ng hawakan niya ang kamay ko at mahinang pisilin yun. Napakagat ako sa labi ko at hindi maiwasang tignan si Victor na parang inis na inis.
"Ano namang ginagawa mo dito?" Ayokong maging bastos pero malaki pa ang kasalanan ng mokong na to sa akin. Hindi ko pa nakakalimutan ang plano niyang bugbugin ako dahil lang ayaw ni Sullivan makipaglaro sa kanila.
"Sinama ko siya dito" Nakita ko ang pag-irap ni Victor sa akin. Kitang kita naman kasi na ayaw na ayaw niyang nandito siya. The feeling is mutual, bro.
"Amirah, pumapayag ka na bang ligawan ulit kita?" Napalunok ako dahil sa tanong ni Gustavo. Nakangiti pa siya ng malapad sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ayoko namang pumayag dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at kapag hindi naman ako pumayag ay alam kong hindi niya tatanggapin yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/236145073-288-k88638.jpg)
BINABASA MO ANG
Mason Finn Sullivan (House Of Adonis Series #1)
Teen FictionHe's Mason Finn Sullivan, the notorious bad boy from the House of Adonis.