Comment your thoughts! Thank you!
Chapter 5
Ngumuso ako habang pinapakinggan sa telephono ang mga bilin ni mama. Mag-iisang oras na kaming nag-uusap at tungkol yun sa mga bilin niya.
"Ayusin mo kasi ang sarili mo, Amirah. Magpaganda ka naman. Sa makalawa, papadalhan ka namin ng pera dyan kaya bumili ka ng makeup. Yung lapis na ginagamit ni Diding sa kilay niya, bumili ka din nun"
"Hmm" Pagsasang-ayun ko lang dahil kapag hindi ako sumangayon ay baka pagalitan niya ako.
"Magparebond ka din. Kanina si Diding nagparebond kaya maganda na ang buhok niya" Umiling na lang ako sa sinabi ni mama. Si Diding ay ang kapitbahay namin na maarte na kinaiinisan ni mama dahil palagi daw sinasabi ni Diding na mas maganda siya sa akin.
"Opo" Walang ganang sabi ko.
"Nako, Amirah. Kapag bumalik ka dito nang hindi maganda yang buhok mo at mukha kang ewan, sisipain talaga kita palabas ng bahay" Tumahimik lang ako at patuloy na pinakinggan siya "Maghanap ka na din ng boyfriend"
"Po?"
"Maghanap ka ng gwapong boyfriend dyan. May boyfriend na si Diding dito"
"Ayoko Mama"
"Alam mo ba ang sinabi ni Diding at ng ina niya kanina? Hindi ka daw makakahanap ng boyfriend na gwapo! Amirah, kung kaylangan na bumili ka ng gayuma para magkaroon ka ng boyfriend gawin mo"
Napahilot ako sa noo ko sa narinig ko galing kay mama "May nagustuhan ka na ba sa mga lalaking pinapakilala ni Millie?"
Si Mama ang palaging kumukonsenti kay Millie na ibugaw ako sa mga lalaking nakikilala niya. Kaya naman malakas ang loob ni Millie dahil palaging nasa likod niya si Mama.
"Kung wala kang boyfriend kapag umuwi ka. Maghire ka na lang ng boyfriend. Napanood ko yung sa isang pelikula na babayaran mo ang lalaki para maging boyfriend mo ng ilang araw. Siguradohin mo lang na napakagwapo ng babayaran mo para sulit"
"Mama naman"
"Mang, tigilan mo na si Amirah" Narinig ko ang boses ni Papa sa kabilang linya.
"Hi, Papa!" Bati ko sa kanya.
"Amirah, tatawagan ka na lang namin mamayang gabi. Papakalmahin ko lang tong mama mo. Nakipag-away na naman kasi sa mama ni Diding kanina"
"Bakit? Ano na namang nangyari?" Si Mama ang sumagot sa tanong ko.
"Sinabi niya na pangit ka daw! Napakakapal ng mukha! Sabi pa niya walang magkakagusto sayo! Naiinis na talaga ako sa mag-ina na yun. Palaging ikaw yung topic. Pinagkalat pa nila na walang nagkakagusto sayo dyan! Meron naman, diba? Meron?"
"Nak, tawagan ka na lang namin" Sabat ng papa niya.
"Opo, papa. Mag-ingat kayo dyan"
Napabuntong hininga ako nang matapos ang tawag. Kapag kaming dalawa ni mama ang nag-uusap sa telephono ay palaging pagpapaganda ang pinag-uusapan namin. Hindi pwedeng umuwi ako na hindi maganda dahil magagalit siya. Ngayon naman proroblemahin ko ang lalaking idadala ko sa probinsya kapag umuwi ko. Si mama kasi eh.
Natigilan ako nang makita sa isang sulok ang isang lalaking pinatutulungan ng limang lalaki. Tawa sila ng tawa habang nagmamaka-awa ang lalaki sa kanila. Napakagat ako sa labi ko at akmang lalapit sa kanila para patigilin sila nang biglang may tumakbo papunta sa kanila at sinuntok ang isa sa kanila.
"Sullivan"
Nakita ko ang pagngisi ni Sullivan nang bumagsak ang lalaking sinuntok niya. Tinignan niya ang apat na lalaking humakbang paatras nang makita siya. Walang segundo ang sinayang ni Sullivan at sinuntok ang apat na yun. Pilit na umiwas ang apat at nakipagsuntokan pa kay Sullivan pero mukhang mas magaling makipag-away si Sullivan sa kanila kahit na nag-iisa lang siya ay natalo sila.
BINABASA MO ANG
Mason Finn Sullivan (House Of Adonis Series #1)
Roman pour AdolescentsHe's Mason Finn Sullivan, the notorious bad boy from the House of Adonis.